Coco
Ang Probinsyano baka maging ‘turista’ na
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

Talaga sigurong napakahirap noong pilit mong pinahahaba ang isang kuwento dahil lamang sa ayaw bitiwan ng audience. Palagay namin, nang gawin ni Coco Martin ang FPJ’s Ang Probinsyano, ang inisip niya ay maisalin lamang sa telebisyon ang matagumpay na character na nilikha sa isang pelikula ni Fernando Poe Jr., Hindi naman siguro niya naisip na tatagal iyan nang apat na taon.

Ang totoo, napakalayo na ng character sa character na nilikha ni FPJ. Kung anu-ano na ang naidugtong. Siguro kung si Coco lamang ang tatanungin, tinapos na niya iyan at nagsimula na siya nang panibago, pero hindi niya magawa iyon dahil ayaw bumitaw ng audience sa kanilang serye.

Natawa kami doon sa narinig naming may balak na nga raw si Coco na mag-shoot ng Probinsyano sa Europe. Aba, eh di hindi na Probinsyano iyon, Turista na iyon. Ano ang mangyayari sa character ni Dalisay? Magiging kasali na siya sa Interpol?

Malayung-malayo na sa character ni FPJ. Para ngang mali nang tawaging FPJ’s Ang Probinsyano, pero wala kang magagawa, kailangang umisip kahit na anong paraan para pahabain pa ang kuwento dahil ayaw ngang bumitaw ng audience.

Magiging isang malaking sugal kung ititigil iyan at gagawa si Coco ng panibagong character. Kung magtutuluy-tuloy iyan, baka nga maging Ang Lolong Probinsyano na iyan, Kung magkaroon man ng sequel malamang na Apo ng Probinsyano na ang title.

Maraming nagsasabing “masyado nang pinahahaba ang Probinsyano” pero maitatanong mo naman sa kanila, bakit kasi ayaw ninyong bumitaw. Kung bibitaw ang audience, tiyak tatapusin na iyan at makapagsisimula naman si Coco ng iba.

Diyan sumikat nang husto si Coco, pero siyempre may ambisyon din naman siyang makakawala sa anino ni FPJ.

Ethel iniyakan ang akusasyong kabit ng chef!

Umiiyak si Ethel Booba habang ikinukuwento na may mga nambu-bully sa kanya at tinatawag siyang kabit. Aminado naman siya na ang ama ng kanyang ipinagbubuntis, iyong si Jessie Baltazar ay may asawa, hiwalay nga lang pero hindi pa annulled ang kasal sa dating asawa.

Hindi lang si Ethel ang ganyang babae. Buti nga iyong nakabuntis kay Ethel hiwalay sa asawa. Mayroon nga nabubuntis ng lalaking kasama pa ang asawa at may pamilya. Hindi naman siguro ginusto ni Ethel iyon, at wala siyang inagaw dahil matagal na rin daw hiwalay ang mag-asawa.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with