KC
KC may malaking announcement
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Uy mukhang magiging busy na uli si KC Concepcion.

Kahapon ay may nag-heads up na may malaking announcement na magaganap. “You guys have been requesting me to do something for you. I hear you!!! Something is up my slit! I mean, sleeve! Big announcement coming soon. xx, K.”

Oww ano nga kaya ‘yun?

Tourist destination binaha

Iba na talaga ang nangyayari sa ating paligid.

Climate change is so real.

Grabe ang nangyaring baha sa historical city ng Italy na Venice.

Umabot hanggang tuhod ang tubig sa nasabing lugar particular na raw sa malapit sa St. Mark’s Basilica ayon sa mga balita sa TV. Ito na raw ang pinaka-matinding pagbaha sa nasabing lugar sa mahigit 50 years.

Popular tourists destination pa naman ang nasabing lugar.

Love shines ng Kapuso trending agad

Bibida sa Christmas station ID (CSID) ng Kapuso Network ang “Love Shines” na unang pinalabas noong Linggo.

Muli ngang nagsama-sama ang pinakasikat na Kapuso stars at respetadong News and Public Affairs personalities upang bigyan ng halaga at sorpresahin ang mga taong nagpakita ng wagas na pagmamahal sa kanilang kapwa at sa paligid nila. Ilan sa mga taong kinilala nila ay ang isang inang walang-pagod na binubuhat ang kanyang 22-year-old na anak na may kapansanan para lang makapasok sa school araw-araw sa loob ng 15 taon; isang anak na proud sa kanyang tatay na nagsusumikap bilang garbage collector para maitaguyod ang pag-aaral nilang magkakapatid; isang earthquake survivor sa Pampanga at ang kanyang rescuers, at marami pang iba.    

Agad na naging trending topic worldwide ang Christmas campaign na #LoveShines at naka-one million views naman ang video nito matapos itong i-launch noong November 10.

Umani ng paghanga mula sa netizens ang CSID dahil naipadama raw nito ang tunay na kahalagahan ng Pasko at nakaka-encourage itong mag-share ng happiness, hope, at love lalo na sa mga pinakanangangailangan nito.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with