Kisses
Pamilya ni Kisses hinahanap ni Rap Fernandez!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Ayoko sanang isulat pero nag-request si Rap Fernandez dahil hindi na raw niya ma-contact si Kisses Delavin at ang mga magulang nito.

Ang pamilya ni Kisses ang dating umuupa sa condominium unit ni Rap sa Imperial Palace Suites. Pag-aari ni Lorna Tolentino ang unit pero ibinigay na niya kay Rap.

Si Rap ang kausap ng pamilya ni Kisses nang rentahan nila ang kanyang unit sa Imperial Palace Suites.

Nagkaroon ng ‘konting’ aksidente sa condominium building dahil pumutok ang valve ng tubig sa unit na nirerentahan nina Kisses, umagos at nagbaha na naging dahilan para magkaroon ng short circuit ang elevator kaya isang buwan na nasira ang isa sa dalawang elevators ng Imperial Palace Suites.

Lumipat na sina Kisses sa ibang lugar kaya si Rap ang sinisingil ng Imperial Palace Suites management para sa repair ng elevator.

Okey lang naman dahil may deposit naman sina Kisses pero ang problema, ipina-stop payment nila ang deposito kaya malaki ang abono ni Rap.

Ayaw sagutin nina Kisses ang mga phone call ni Rap para ma-clear ang mga dapat na obligas­yon. Ayoko naman na si Rams David ang singilin ni Rap kaya sana mabasa ito ng pamilya ni Kisses para maayos na ang problema.

Mabuti nang magkausap sila para kapag nagkita sila ni Lorna Tolentino, hindi ang kontrabida na si Lily ang maging peg ng nanay ni Rap kung isang grandslam queen, joke lang!

Rhei birthday na naman!

November is a special month para sa atin nina Gorgy ha Salve. Imagine mo parang kailan lang nang magpunta tayo sa Clark sa Angeles para mag-attend ng birthday ni Rhea Tan.

Ang bilis talaga ng araw, parang kailan lang ‘yon pero heto birthday na naman ni Rhea, ang napakabait na owner ng Beautéderm.

Sure ako na nandoon ang lahat ng endorsers niya na tuwang-tuwa sa mabilis na pag-akyat sa ladder of success ng Beautéderm, sa tulong ng mabuti at mahusay na management nila ng kanyang asawa na si Sam.

Lagi lang sa background si Sam pero alam natin na siya ang inspiration ni Rhea para magtrabaho nang husto for Beautéderm.

Happy Birthday our dear Rhea, Beautéderm ka forever, kasi beauty ka inside and out.

Maricel ibang-iba ang pananakot sa Heiress!

Isang horror movie ang The Heiress at siyempre, isang sterling performance na naman ang ipinamalas ni Maricel Soriano.

Talagang kapag mahusay ang aktres na katulad ni Maricel, kayang-kaya niya na itawid ang lahat ng klase ng genre, mapa-drama, action, comedy o horror.

Ibang-iba ang naging atake ni Maricel sa mambabarang, role niya sa The Heiress na ikatutuwa ng kanyang fans na missed na missed na siya na mapanood sa big screen.

Blessing in disguise na hindi naging official entry ang The Heiress sa Metro Manila Film Festival sa December para mapanood ito sa mga sinehan nang mas maaga.

The Heiress, isang masterpiece horror movie for Maricel, kasama si Janella Salvador at mula sa direksyon ni Frasco Mortiz.

Ipinakita ang full trailer ng The Heiress sa premiere night ng The Annulment noong Lunes at talagang natakot ang audience sa mga eksena na napanood nila. Napakalakas daw ng gulat factor ng trailer ng pelikula nina Maricel at Janella na showing sa mga sinehan sa November 27.

KISSES DELAVIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with