^

Pang Movies

Marian ayaw makumpara kay Kris

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Marian ayaw makumpara kay Kris
Marian

Hindi agree si Marian Rivera kapag sinasabing siya na ang nagmana ng dating trono ni Kris Aquino bilang no. 1 endorser. Aniya ay hindi raw sila dapat pagkumparahin.

“Ang hirap mag-compare ng isang tao sa isang tao, so walang comparison. Ayoko ng comparison at ninang ko ‘yan, nirerespeto ko ‘yan. Iba ang narating niya, iba ang ibinigay sa akin ng Panginoon,” pahayag ni Marian during her contract renewal-signing with Beautéderm Home.

Sa ngayon nga naman kasi, mula umaga hanggang gabi ay si Marian ang makikita mo sa telebisyon endorsing different product. Kaya kahit medyo lie low siya sa teleserye ngayon, araw-araw pa rin siyang nakikita ng publiko at ng kanyang mga fans.

Ayon kay Marian, very thankful naman siya sa blessings na dumadating na ito.

“Dati kasi, noong single ako, ‘wow, more endorsement, ipon ako. Wow, nasa TV ako!’ Ngayon, pag nanay ka, iba. ‘Salamat, Lord, makakaipon ako para sa mga anak ko, sa magandang future para sa mga anak ko.,’” sey ni Marian.

Pero ang panganay din niyang anak na si Zia ay kumikita na rin ng sarili nitong pera dahil ang dami na ring endorsement ng bagets. At malamang pag lumaki-laki rin si Ziggy ay hindi malayong maging endorser din ito dahil ngayon pa lang ay marami nang offer sa bunso.

Ayon kay Marian, ang lahat ng kinikita ni Zia ay nakaipon sa banko at makukuha nito sa tamang panahon nang buong-buo.

Cindy Miranda hindi na-awkward sa laplapan kay Rhen Escaño

Ngayong Nobyembre, inihahandog ng Viva Films ang pelikulang Adan na umiikot sa pag-iibigan at pagnanasa ng dalawang babae, at ang kanilang mga kasinungalingan. Mula sa imahinasyon ni Yam Laranas, ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Cindy Miranda (Bb. Pilipinas Tourism 2013) at Rhen Escaño (2016 Cinema One Originals Film Festival Best Supporting Actress nominee for Si Magdalola At Ang Mga Gago).

Si Ellen (Rhen) at Marian (Cindy) ay matalik na magkaibigan mula pagkabata.  Ang kanilang pagkakaibigan ang tanging nagbibigay saya kay Ellen dahil sobra itong nasasakal sa pag-aalaga ng kanyang ama na si Amang Lucas (Bembol Roco). 

Hindi na siya makapaghintay na makawala sa kahirapan sa probinsiya.

Gustong patunayan ni Cindy Miranda sa pelikulang ito kung gaano siya kaseryoso sa pagiging artista, lalo na’t may kissing scenes siya kasama si Rhen. Sinabi niya sa isang panayam, “Mahal ko talaga ang pag-arte at kapag mahal mo ang isang bagay, lahat, makakaya mo na gawin.”

Pinuri niya ang kanyang co-star sa pagiging propesyonal nito. Aniya, “Never akong naka-kiss ng isang babae, pero dahil propesyonal yung co-star ko, kahit awkwardness, wala akong naramdaman.”

Mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr., ang mga eksena ay lumabas na flawless ayon kay Cindy.

Palabas na ang Adan sa sinehan simula November 20, 2019. Mula sa Viva Films, in cooperation with Aliud Entertainment at ImaginePerSecond.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with