Kasal na lang ang kulang...
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

Ngayon nga lang siguro inamin nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na engaged na sila, pero makikita mo naman noon pa, kulang na nga lang sa kanila mag-live in. Napuna namin iyan nang sumali noon si Matteo sa isang triathlon sa Cebu nang mag-isang pumunta roon si Sarah para magbigay ng moral support sa kanyang boyfriend na walang kasama sino man. Palagay kaya ninyo, makakatakas siya nang ganoon sa mga magulang niya kung wala man lang understanding kahit na papaano?

Hindi lang iyon, madalas na nating mabalitaan at makita pa sa social media na si Sarah ay kasama ng pamilya ni Matteo sa Cebu, mukha namang alam nila ang tunay na relasyon at tanggap nila. Sa mga pagkakataong iyon, tila bahagi na ng pamilya si Sarah, at wala siyang kasamang miyembro ng pamilya niya.

May isa nga kaming source na nagsabi sa amin, totoo naman daw ok na iyon sa pamilya ni Matteo. Ang medyo may resistance lang ay ang pamilya ni Sarah. Pero siguro nga ngayon ay wala na silang resistance kaya nagawa nang aminin ng dalawa na sila ay engaged na nga.

Isa pa, hindi ba madalas na namang nababanggit sa kanila ang pagpapakasal? Ibig sabihin may ibang mga tao nang hindi man alam na formally engaged na sila, alam naman na may plano na silang magpakasal talaga. Eh ano ba naman ang masama roon, nasa tamang edad na sila.

Kung iisipin mo nga, ito na ang tamang panahon para mag-asawa si Sarah para kung magkaroon man siya ng anak, nasa prime siya ng kanyang buhay. Iyong mga babae, sinasabi ngang mas ok kung may anak ka na before 35 years old. Kasi kung ganun na ang edad mo at unang panganganak pa lang, mahihirapan ka na.

Dapat pakasal na sila, tutal umamin na sila ng tunay na relasyon.

Popcorn mas mahaba ang pila kesa sa mga sine

Noong isang araw, nagpunta kami sa sinehan. Natuwa kami nang makita namin ang mahabang pila. Pero iyon palang nakita naming pila, pila lang ng mga bumibili ng popcorn. Nakakalungkot ang mga nangyayari sa mga pelikula natin.

Iyong pelikula ni Aga Muhlach na marami ang magagandang review, sinasabing ni hindi umabot sa isang milyon ang kinita noong first day. Unlikely para sa mga pelikula ni Aga na karamihan ay hits.

Aba, mas kawawa naman ang pelikula ni Ruru Madrid. Isipin ninyo may controversy pa dahil muntik na siyang sagasaan pagkatapos ng premiere ng pelikula. Pinag-usapan iyon sa social media, pero hindi pa rin pinanood ng mga tao. Mas maraming nag-usap tungkol doon sa muntik na siyang masagasaan kaysa sa nanood ng kanyang pelikula?

Iyong pelikula ni Aga, understood eh. Binigyan iyon ng subsidy ng Embassy of Denmark. Natural ang pelikula ay ibabaling mo kahit kaunti sa kanilang interests. Iyong kuwento, hindi karaniwan sa mga Pilipino. Natural hindi nila naunawaan nang husto.

Iyong kina Ruru at Jasmine Curtis, palagay namin hindi pa sila talaga handa para maging bida sa pelikula. Siguro dapat ang hinaharap muna nila sa ngayon ay iyong mga out of town shows at personal appea­rances. At saka na gawing bida sa pelikula kung talagang kaya na.

Hindi ba iyang si Jasmine binigyan na iyan ng build up ng TV5 noon pa man, hindi naman kinagat ng publiko. Ibig sabihin kailangan pa nang mas higit na exposure bago gawing bida ulit.

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with