^

Pang Movies

Marian laging sold out ang ini-endorse!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

“Go Local” ang isa na rin ngayon sa mga advocacies ni Marian Rivera, which means local brands na raw ang mga pina-patronize niya kabilang na ang kanyang mga suot na damit at sapatos.

Tulad na lamang ng suot niya kahapon sa renewal of contract niya sa Reverie by Beautéderm Home na kanyang ine-endorse. Locally-made ang kanyang damit na suot at medyo matagal-tagal na rin niya itong ginagawa.

When asked kung bakit, ani Marian ay nagsimula raw ito nang maging endorser siya ng Kultura.

“Namulat ang mata ko nang inendorso ko talaga ang Kultura. Nakita ko kung gaano kaganda at kagaling ng Pinoy sa paggawa ng iba’t ibang klaseng produkto. ‘Yun talaga ‘yun, eh. Gawang Pinoy. Suportahan natin ang gawang Pinoy,” pahayag ni Marian.

Matatandaang noon ay laging inaabangan ang signature bags and shoes na gamit ni Marian. Pero ngayon daw ay wala nang ganitong makikita sa kanya at ibinenta na raw niya.

“Wala na siya. Binenta ko tapos, binili ko ng mga katutubong damit,” sey pa ni Marian.

So, wala na siyang desire na gumamit ng mga imported na gamit?

“Wala na, wala na. Siguro, sabi ko nga, may mga pagkakataong may konting pambili, nakabili ka ng medyo branded. Pero sabi ko, ‘what for?’ di ba? Ngayon mas makabuluhan ang mga sinusuot ko dahil gawang Pinoy,” she said.

Pati raw ang mga anak niyang sina Zia at Ziggy ay ganito rin ang gagawin niya. Iimpluwensiyahan din daw niyang magsuot ng local ang mga ito.

Samantala, masayang-masaya rin si Marian na muli siyang nag-renew ng kontrata sa Beautéderm. Parang kailan lang daw nang una siyang pumirma at ngayon ay contract-signing na naman.

Kung dati ay nagsimula lang daw sa kandila ang Beautéderm Home, ngayon ay may diffuser na sila at marami pa raw silang balak na ilabas na produkto in the near future.

Ayon naman sa President and CEO ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan, siya raw ang mas dapat magpasalamat at maging proud na pinagbigyan sila ni Marian at tinanggap ang offer niya na maging endorser ng kanilang produkto.

Sobrang happy din si Rhea na napaka-effective endorser daw ni Marian at laging sold out ang produktong ine-endorse nito sa Beautéderm Home.

Jeric at Klea laging Ganado sa trabaho

Sa latest interview ni Jeric Gonzales at Klea Pineda, inamin ng dalawa na iba talaga ang closeness nila ngayon. Magkasama ang dalawa sa GMA-7’s Magkaagaw drama series na ipina­lalabas tuwing hapon at ayon sa young actress, excited siyang pumunta sa set knowing na makikita niya ang leading man.

“Isa ‘yun sa factors kung ba’t ako nae-excite mag-taping, na I get to see him every week, everyday,” sey ni Klea sa panayam nila sa 24 Oras.

Umayon naman si Jeric at aniya, “parang nagiging inspirasyon na namin ang isa’t isa na pumunta sa work. We’re very happy sa ano namin ngayon, kung anon’g meron kami ngayon, lalo na ako, sobrang happy ako na kasama ko siya palagi sa work.”

When asked kung sila na ba, malakas na tawa lang ang sagot ni Klea.

Hmmm, posible!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with