^

Pang Movies

Billy namayat nang i-give up ang pag-inom ng alak at yosi!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Billy namayat nang i-give up ang pag-inom ng alak at yosi!
Billy Crawford

Sinagot ni Billy Crawford ang netizens na concern sa kanyang kalusugan.

Marami kasing nakapansin sa sobrang kapayatan ngayon ni Billy at worried ang maraming netizens na baka may kung anong sakit ito na malala.

Nag-post kasi si Billy sa IG ng bakasyon niya sa New York City. Nagkaroon ng chance na makauwi si Billy sa kanyang hometown sa Long Island.

Sa pamamagitan ng Instagram ay pinaliwanag ni Billy ang kanyang pagiging payat ngayon.

Nag-lifestyle change daw ito dahil sa kanyang misis na si Coleen Garcia.

“I got to celebrate with my everything last night for Halloween. And yesterday was my first year anniv since I stopped drinking, not one lick since. Thanks so much my love for supporting me and being there when I’m irritated. Everyone says I lost too much weight and I’m “too thin” etc. I am NOT sick NOT on drugs just pure happiness and sober! Free from cigs, and now free from alcohol, too. To God be the glory!” post ni Billy sa IG.

Malaki nga raw ang tulong ni Coleen sa kanyang pagbabago. Siniguro raw ni Coleen na makakaiwas sa alak at sigarilyo ang kanyang mister at piliin ang isang healthy lifestyle.

Sunshine binura ang banta sa basher

May pagbabanta si Sunshine Cruz sa mga mamba-bash at manlalait sa kanyang mga anak.

Very protective na ina si Sunshine sa kanyang tatlong Maria na sina Angelina, Angel at Samantha. Hanggang kayang ipagtanggol ang kanyang mga anak ay gagawin ng aktres.

Kailan lang ay nagbakasyon ang mag-iina sa Japan dahil semestral break ng mga bata sa school at sa Japan na sila nag-celebrate ng Halloween.

Tuwang-tuwa ang 2 million followers ni Sunshine dahil para lang daw silang magkakapatid.

Noong nakaraang November 3 ay naimbiyerna si Sunshine sa ginawang pamba-bash ng isang netizen sa anak niyang si Samantha. Pinagbibintangan kasi si Sam na may ugnayan ito sa young actor na si Kyle Echarri.

“Who’s kyle dating right now you or lorin,” mensahe ng netizen.

Hindi naman nilinaw ng netizen kung sino ang “Lorin” na kanyang tinutukoy. Inakusahan pa ng netizen na sina Samantha at “Lorin” daw ang sisira sa career ni Kyle.

Mensahe ng netizen: “lalandi niyo manang mana kayo sa nanay niyo haha alam niyo may ka loveteam na si kyle lagi pa din kayo nagkikita”

Hindi pinalagpas ni Sunshine ang netizen na ito kaya ipinost nito ang screenshot ng mga message ng kanyang basher sa kanyang Instagram at Twitter.

“Why are you attacking my daughter @samcruzm? Mag ingat ka @myluvkycine ??? @kyleecharri and my daughter are friends ONLY!” post pa ni Sunshine na ngayon ay deleted na.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with