_pang-masa
^

Pang Movies

Netizens nahihilo na sa mga pinagsasabi ng Barretto sisters!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Netizens nahihilo na sa mga pinagsasabi ng Barretto sisters!
Claudine

Nag-time-out lang pala nitong mga nakaraang araw sa pag-aaway ang Barretto sisters dahil ngayon, balik na naman sila sa pagsasakitan at pagbibintangan na ang latest, mukhang hahantong pa sa demandahan.

Matatandaang sinimulan na naman ni Claudine Barretto ang bagong word war nang mag-post siya ng video sa hospital kung saan ay maririnig na nagsalita si Marjorie Barretto na masyadong madrama raw si Inday at baka masapak niya.

Kinumpirma ni Claudine na ang Inday na tinutukoy ni Marjorie ay ang ina nilang si Estrella “Inday” Barretto.

Isang araw matapos ipost ito ni Claudine ay sumagot si Marjorie last Sunday night. Hinamon niya ang nakababatang kapatid na patunayan ang mga pahayag nito sa korte.

“PROVE this twisted story of yours in court. Prove that I have ever tried to physically hurt my Mother. And PROVE this was the argument that my Mom and I had about Julia giving 500k in exchange for the subic home. PROVE it.

“Because it was only when Dad was dead that Julia paid the 500k and so much more than any of us. And how we repeatedly Made it clear Julia was no buying the Subic house, long before Dad died, that was clear to all, all siblings knew that, you wrote it down in your paper, and you were recording it from your phone without our consent. You are making up this story.

“I will See you in court, the rest of the family witl stand by me as witnesses,” ang sagot ni Marjorie.

Bilang sagot ay ipinost naman ni Claudine ang screenshot ng Instagram Story na may user name na @estrellabarretto na aniya ay sa kanilang ina.

Sa caption, ani Claudine, “Nagsalita na ang Mommy

@gretchenbarretto the Truth will always always Prevail.”

Sa naturang screenshot ng IG Story ni @barrettoestrella ay kinukumpirma niya na siya ang Inday na tinutukoy ni Marjorie.

“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own. I’m shock & in so much pain as a mother.

“I just learned about the video & my heart breaks. Marjorie Claudine said everything, pls don’t drag my name Marjorie.

“Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME. Learn to tell the truth and nothing but the truth,” ang nakasaad sa ipinost ni Claudine na screenshot.

May isa pang post si Claudine na sinasagot naman niya ang sinabi ni Marjorie na “take your proper medications please. Nahihilo ka na sa kuwento mo.”

“Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF Marjorie? Tsk tsk don’t worry I drank my meds. So should you. Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. Don’t your children see a psychiatrist?” ang caption ni Claudine sa screen shot ng post ni Marjorie advising her to take proper medications.

Pero sa totoo lang, ang netizens ang nahihilo na sa magkakaibang statements ng magkakapatid na hindi mo na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Marami ang nalito last Sunday dahil nag-post si Marjorie ng mga larawan na magkasama sila ng ina niya sa lunch kasama rin ang kanyang mga anak including Dani Barretto and her baby.

“Sunday lunch, We miss you today, Dad,” ang caption ni Marjorie sa series of photos na in-upload niya kasama ang ina nila.

Kung galit nga naman ang nanay nila kay Marjorie, bakit magkasama silang nag-lunch? Ito ang tanong ng netizens.

Isa pang kinukuwestiyon ng netizens, hindi raw nila makita ang user name na @barrettoestrella sa Instagram kaya hindi malaman kung legit ba itong account talaga ni Mommy Inday.

Well, kahit kami ay hindi namin makita ang nasabing account at ang meron lang ay @estrellabarretto at wala rito ang ipinost ni Claudine na IG Story na aniya ay galing daw sa kanilang ina.

Anyway, abangan na lang natin kung saan hahantong ang pagsasakitan ng pamilya Barretto at kung mauuwi ba sa demandahan talaga.

CLAUDINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with