^

Pang Movies

Fans nina Alden at Maine napatunayang puro pananakot lang ang kayang gawin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Fans nina Alden at Maine napatunayang puro pananakot lang ang kayang gawin!

Hindi naman siguro ganoon ka-disappointing ang resulta sa takilya ng movie nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings, Salve.

Iba naman kasi ang tema ng pelikula nina Carlo at Maine sa Hello, Love. Goodbye, ang blockbuster movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Unfair din pagkumparahin ang dalawang pelikula dahil magkaiba naman ng level ng popularity ng mga kasama nina Alden at Maine sa project.

Mabuti na lang, parehong maganda ang mga pelikula nila na kahit papaano ay maipagmamalaki nina Maine at Alden.

Ang mayayabang at salbaheng fans na lagi nang ipinagmamalaki, ginagawang panakot ang salitang boycott at akala mo mahuhusay ang utak na kung anu-ano ang advice na ibinibigay para sa mga project na bagay sa kanilang idolo, tapos wala naman palang kakayahan para sumuporta ang nabigyan ng reality check. All barks, no bites.

Ang violent kasi ng mga banta nila na akala mo sila lang ang puwedeng asahan sa magiging success ng mga project ng kanilang mga idol.

Now, alam na nina Alden at Maine na hindi totoo ang mga pananakot ng mga bulag na fans na ang mga ito ang dapat na paniwalaan.

Na hindi totoo na may kakayahan sila na sumira ng career at magpasikat ng isang artista.

Hindi tunay na fans ang mga demanding at manipulative na tagahanga dahil ang totoong fan, unconditional ang pagmamahal sa kanilang idolo at  kahit anong bagay na mabuti for their idol gagawin at tatanggapin nila.

Sarah pinupuri

Dahil sa word of mouth na maganda ang Unforgettable, pinipilahan ito sa box office.

More than P8 million ang box office gross ng pelikula ni Sarah Geronimo sa second day nito sa mga sinehan.

Hindi lamang ang performance ni Sarah ang pinupuri dahil gustung-gusto rin ng mga nanood ng Unforgettable ang acting nina Gina Pareño, Kim Molina at Anne Curtis.

Bossing may recall agad

May detergent, fabric conditioner at liquid cleaner na Bossing ang pangalan. Masuwerte ang nakakuha ng patent na Bossing na kilalang-kilala dahil nakakabit sa pangalan ni Vic Sotto.

Bongga, may recall na agad ang Bossing products at sure ako na magiging mabili ito sa market.

Sana maganda ang products na mas mura raw kesa sa mga kilalang brand sa market pero dahil mabait sa akin ang pamilya Tiu at si Sheila ng Champion kaya loyalista pa rin ako ng brand na ito.

Susubukan ko rin ang Bossing dahil mura kaya malaki ang matitipid sa budget. Sige Rey Concha, susubukan ko na gamitin ang Bossing para makita ko ang epekto nito.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with