Ogie Diaz
Ogie malayo na ang narating mula sa pagtitinda ng banana cue
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

Correction please Salve A., hindi raw barbecue ang ibinebenta ni Ogie Diaz noong wala pa siya sa entertainment media, kung hindi banana cue.

Inilalako niya raw ito sa harap ng Our Lady Of Lorenzo Church, opposite ng simbahan San Antonio, sa Sampaloc, Manila para makatulong sa kanyang ina sa kanilang daily expenses.

Kung sabagay, mas madali nga namang maibenta ang banana cue dahil mas mura ito.

This was late 80’s, at tunay na malayo na nga ang narating ni Ogie.

Mula sa pagiging alalay ng kilalang manunulat at online host na si Cristy Fermin, hanggang sa pagiging reporter, naging tabloid editor at naging TV personality na rin.

Ngayon, isa na siyang pamilyadong tao. Happily married na siya for nearly 20 years now, and a father of five children na ang eldest ay 18 years old.

Pawang mga babae ang anak ni Ogie.

For six years now, magkasama sa programang OMJ ng DZMM na umeere kada Sabado sina MJ Felipe at Ogie. Ayon sa kanila, sinisigurado nila na ang kanilang mga inilalabas na balita ay comprehensive at relevant.

Hindi nakakalimutan ng dalawa na magpatawa, or just sound witty.

So far, so good ani MJ at Ogie, as they believe na hindi lang sila basta nag-e-enjoy sa show, kung hindi sila rin ay mga tagapakinig.

Ogie at MJ, suwerte sa isa’t isa

Samantala, a graduate of De La Salle University, MJ said, contented na rin sana siya as isang call center agent, when his attention was called sa isang ad ng ABS-CBN na nangangailangan ng reporter for an entertainment show.
“I submitted to an audition, and happily, sa rami ng nag-audition, ako ang pinalad na mapili,” ani MJ.

Aside from co-hosting OMJ with Ogie, MJ also reports entertainment news on TV, such as in TV Patrol and Bandila.

Jeric mas wild ang love scene kay Sheryl kesa kay Klea!

While Jeric Gonzales would describe his love scenes with fellow young Kapuso talent na si Klea Pineda as safe sa bagong serye ng GMA-7 na Magkaagaw, passionate naman daw na maituturing ang love scene nila ni Sheryl Cruz.

Mas wild daw ang sa kanila, if not, so intimate. Sheryl had no inhibition na makipaghalikan sa kanya.

Now in her mid 40’s, Sheryl said alam niya ang role niya sa Magkaagaw bago siya pumayag na gawin ito. And she thinks daw, it’s about time na maging more aggressive siya sa kanyang roles, hindi tulad noong bata pa siya na big no no ang makipaghalikan siya, kahit pa ito’y with her favorite leading man, Romnick Sarmenta.

She is lucky daw na Jeric gave his all too, sa kanyang role. Sheryl describes him as a competent performer.

In time, Sheryl believes na lalo pang gagaling bilang aktor si Jeric.

As for Klea, she heard, magaling din daw ito for a newcomer.

Gabby handa sa intimate scenes with Sharon!

Speaking of intimate scenes, game raw si Gabby Concepcion na gumawa ng ganito sa kanilang reunion movie ng dating asawang si Sharon Cuneta.

But he will not speak for Sharon, he said, sapat na sa kanya na willing ito na muli siyang makatrabaho.

Samantala, Gabby denied na may kinalaman sa talent fee kung bakit ‘di natuloy ang unang attempt ng Star Cinema na pagsamahin sila in a project.  Nagkataon lang daw na noon ay busy siya.

All they need, ayon kay Gabby, is a good material, para raw hindi naman nakakahiya  lalo na sa kanilang fans.

Did we hear it right na excited na raw ang nag-iisa nilang anak na si KC Concepcion na muli silang magsama sa isang pelikula.

OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with