Gretchen
Gulo ng mga Barretto wala nang pag-asang maayos?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Palala nang palala

Hindi nga siguro masasabing masaya, pero mapayapa ang mga sumunod na pangyayari matapos ang cremation ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto noong Sabado ng tanghali. Habang hinihintay na mailabas ang mga abo ng kanilang ama, magkakasama pa over lunch sina Claudine Barretto, ang ate niyang si Gretchen, ang kapatid na si Jayjay at ang kanilang inang si Inday Barretto. Napansin lang namin sa kanilang picture na mayroon nang ngiti kahit na alam mong nagluluksa pa rin.

Pagkatapos ng lahat, magkakasama pa rin sila.

May isang inilabas na video si Claudine na kung saan nakita pa ang nakiramay ring negosyanteng si Atong Ang na inihatid sila sa sasakyan at nagsabing “ayusin natin iyan pagkatapos nito.”

Marami ang umaasa na hindi man matapos ang lahat ng kaguluhan, may manatili mang alitan sa pamilya ay magiging matahimik na ang lahat. May sinasabi si Gretchen na siyang pinagbibintangan ng kung anu-ano na magsasalita ang kanyang long-time partner na si Tony Boy Cojuangco tungkol sa mga ibinabatong issues. Magsasalita rin daw si Atong Ang, ang negosyanteng sinasabi ng kanyang pamangking si Nicole na boyfriend niya na inagaw ng tiyahing si Gretchen, eh may asawa si Atong.

Kung ang pinagmulan din naman ng gulo talaga ay iyong pagkampi nina Gretchen at Claudine kay Bea Alonzo kesa sa kanilang pamangking si Julia Barretto, karapatan naman nila iyon. Hindi naman dapat masamain iyon. Nagpahayag sila ng suporta kay Bea, pero wala naman silang sinabing laban kay Julia.

Huwag din sanang makalimutan ang utang na loob, at ang naging magandang pagsasamahan noong araw. Sa murang edad ay nag-modelo at artista si Gretchen para suportahan ang kabuhayan ng buong pamilya. Hindi rin naman maikakaila na noong kapanahunan ni Claudine, siya halos ang nagtaguyod sa pagpapalaki sa mga anak ni Marjorie.

Pelikula ni Sen. Manny maraming may ayaw

Ano ba iyan, matapos na magpahayag ng isang direct descendant ni Heneral Miguel Malvar na hindi sila kinunsulta at hindi sila pabor na si Senador Manny Pacquiao ang siyang gumanap sa role ng kanilang lolo, may sumunod na namang isa pa.

Naglabas din ng statement ang isang Englebert Kasilag Peralta na nagpakilalang anak naman ni Col. Macario Peralta, na hindi rin sila kinunsulta sa pagsasalin sa pelikula ng buhay ng tatay niya. Sinabi rin nilang tutol sila na si Senador Pacquiao ang gumanap sa papel ng tatay nila, at mas gusto nilang manatili na lang ang alaala noon sa kasaysayan at hindi sa pelikula.

Sunud-sunod yata ang pattern. Ayaw nilang lahat kay Pacman. Hindi rin sila natanong kung payag ba silang isalin sa pelikula ang buhay ng ninuno nila.

Aktor tuloy pa rin ang sideline kahit maraming show

Kalat ang tsismis na ang isang male star na sikat na rin naman at nagiging bida na, ay “suma-sideline” pa rin daw hanggang ngayon. Sabi pa ng source, “isang talent manager, hindi ang mismong manager niya ang contact”. Pero lihim na lihim daw iyon, at puwede lang kung maka­ka­singit sa kanyang schedule. Marami rin kasi siyang out of town shows, bukod sa mga TV show na kanyang ginagawa.

Papaano kaya kung malaman ng girlfriend niya ang sideline niya?

Malaking gulo rin iyan sigurado.

GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with