Umbagan ng Barretto sisters hindi na matapus-tapos!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Iisipin ba ninyong magkakaroon pa ng part 2 ang umbagan series ng Barretto sisters sa burol ng kanilang namayapang ama?

Nangyari iyan nang sumunod na gabi nang isugod naman sa ospital si Claudine Barretto, may sugat sa mga kamay na tila nakalmot at nagrereklamong siya ay nahihilo. Ito ay matapos daw na sugurin siya diumano ng kanyang kapatid na si Marjorie nang dumating sa burol ng kanyang ama sa Heritage Memorial Park.

Matapos daw na mangyari iyon, kinausap ng nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen ang bunsong si Claudine at sinabihang umalis na lang sa burol. Dahil sa kanyang kalagayan, minabuti rin ng kanyang kasamang kinilalang si Ruby Baguhin na dalhin muna siya sa St. Lukes’ Medical Center sa BGC kung saan siya naka-confine sa ngayon.

Noong nauna raw gabi ay sinabihan ni Claudine na “wala sa ayos” si Marjorie matapos na iyon ay tumanggi pang makipagkasundo sa kanilang ate na si Gretchen, na nagpakumbaba nang dumating sa burol ng kanilang ama. Hindi umano iyon nagustuhan ni Marjorie, pati na rin ang pakikipagkasundo ng kanilang inang si Estrella at pakikipagyakapan pa noon kay Gretchen.

Nang magbalik kinabukasan at saka naman hinarap ni Marjorie si Claudine.

Noong unang gabi nagkaroon na rin ng umbagan, matapos na si Gretchen ay itulak diumano ng pamangking si Nicole na anak ng kapatid nilang si Jayjay, bagama’t inaawat na, nagawang hatakin ni Gretchen ang buhok ng pamangkin at nasabunutan. Inawat sila ng security people ng presidente na naroroon noong mangyari iyon.

May nagsasabi pang may isa pa raw sa mga Barretto na may dalang baril.

Nagsimula ang matinding iringan ng Barretto sisters nang kumampi sina Gretchen at Claudine sa kanilang kaibigang si Bea Alonzo, nang magkaroon iyon ng controversy laban sa kanilang pamangking si Julia Barretto na anak naman ni Marjorie.

May bintang noon na “inagaw” diumano ni Julia ang boyfriend ni Bea na si Gerald Anderson. Nag-deny si Julia na nanligaw sa kanya si Gerald, pero inamin naman ng kanyang amang si Dennis Padilla na umamin si Gerald sa kanya na nanliligaw sa kanyang anak.

James at Nadine tapos na nga ba ang career?!

Kung mapakiusapan nga kaya si James Reid na ang kanyang live in partner na si Nadine Lustre ay itambal din sa iba, ano kaya ang magiging resulta noon sa takilya? Inaalmahan din ng fans ang pagtambal ni James kay Nancy ng Momoland.

Palagay namin magiging the end pa rin iyan ng career nila.

Alex Diaz binuko ng fitness trainer na natipuhan

Diniretsa ng physical fitness trainer na si Miguel Changco na diumano dalawang beses na nagpadala sa kanya ng “indecent proposal” ang Kapamilya star na si Alex Diaz.

Sa screen shot ng kanilang mga mensahe, nag-sorry naman si Diaz at sinabing sana huwag nang lumabas iyon dahil makakasira sa kanyang career. Pero sa tindi ng galit, inilabas din iyon ng physical fitness trainer na nabastos sa indecent proposal diumano ni Diaz.

Dapat kasi kilalanin muna ang tao bago isali sa mga indecent proposals nila para hindi naman ganyan ang nangyayari. Aba malaking kahihiyan ang nangyaring iyan. Papaano pa ngayon maitatago ng kanyang mga handler na siya ay beki?

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with