^

Pang Movies

Bianca at Sen. Win going strong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca at Sen. Win going strong

Nag-post si Bianca Manalo sa Instagram account nito ng litrato nila ni Senator Sherwin Gatcha­lian kaya lalong nabuo ang hinala na going strong ang kanilang love affair.

First time ni Bianca na naglabas ng litrato nila ni Sherwin na isa sa mga most eligible bachelor ng bansa kaya naman kinaiinggitan siya ng ibang mga babae na feel ang very much single na senador.

Si Bianca ang dahilan kaya hindi natuloy ang project ko na ipakilala si Papa Sherwin sa reigning Bb. Pilipinas-International Patch Magtanong. Bagay na bagay rin sana sina Patch at Papa Sherwin pero nauna na yata sa puso nito si Bianca.

JaDine fans hindi pa tanggap si Nancy

Imbyerna pala ang fans ng JaDine dahil hindi nila matanggap na si Nancy ng Momoland ang kapareha ni James Reid sa bagong teleserye project nito sa ABS-CBN.

Hoping pa naman ang JaDine na si Nadine uli ang partner ni James dahil matagal nang hindi napapanood ang dalawa sa isang teleserye at pelikula.

Malabo yata na magkasama sina James at Nadine sa lalong madaling panahon dahil hindi na contract star si James ng Viva. Ang kanyang tatay na si Malcolm na ang namamahala sa showbiz career niya.

Ang pagsasama kaya nina James at Nancy ang maging mitsa para mabuwag na ang loveteam nina James at Nadine?

Kapag nangyari ito, tiyak na magpoprotesta ang JaDine na talagang  imbyerna at dinidibdib ang partnership nina James at Nancy.

Veana, Nancy at Mayor Toby, may word of honor!

Ang manghingi ng complimentary tickets para sa mga concert at fan meet ang mahirap gawin dahil nakakahiya ang humingi ng pabor.

Lalong nakakahiya kung paulit-ulit ang pag­hingi ng complimentary tickets dahil sa marami at sunud-sunod na mga fan meet.

Malaki lang talaga ang pasasalamat ko dahil may mga mababait ako na kaibigan na kinukunsinti ang paghingi ko ng complimentary tickets.

Ewan ko ba kung bakit may mga tao na nagsasabi na paborito nila si ganitong artista pero hindi naman sila bumibili ng tickets at nakukuntento na lang sa panghihingi ng libre?

Kung may favorite stars kayo, dapat may budget kayo para sa kanilang mga concert at event. Nakakahiya man, wala akong magawa kundi  ang makiusap at manghingi sa mga tao na alam ko na puwedeng magbigay sa akin ng free tickets.

Masarap ang pakiramdam kung ang nag-promise, talagang magbibigay. Paano kung promise lang hindi naman tinutupad?

Sina Veana Fores, Nancy Yang at Mayor Toby Tiangco ang mga kilala ko na kapag nagbitaw ng pangako, talagang ginagawa nila. May word of honor sila dahil kapag nangako ng tickets, talagang ipinapadala nila kahit minsan, halos abuso na ang panghihingi ko.

They never say NO, gagawa at gagawa sila ng paraan para mabigyan ka nang hinihingi mo. Thank God for people like them, salamat po, Veana Fores, Nancy Yang at Toby Tiangco. Salamat talaga.

vuukle comment

BIANCA MANALO

SHERWIN GATCHA­LIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with