Mocha Uson
Mocha masusubukan ang charisma sa mga OFW!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 2, 2019 - 12:00am

Kontrobersiyal na naman ang sexy singer na si Mocha Uson dahil na-appoint na naman siya bilang deputy executive administrator ng OWWA. Natural ang isa sa pinag-uusapan ay ang kanya raw suweldo na aabot sa P115,000.

Kontrobersiyal ang naging government career ni Mocha sa simula pa lang. Dahil isa siyang kilalang entertainer at artista rin, una siyang inilagay ni Presidente Rodrigo Duterte bilang Board Member sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Pero noong naroroon siya, may mga nagawa siyang pronouncements na hindi nagustuhan ng kanyang mga kasama sa board. Dumating ang panahong wala na siyang kakampi sa board kaya inalis siya roon.

Dahil isa siyang blogger, ginawa siyang in-charge sa social media. Dahil naman sa isang nagawa nilang blog tungkol sa federalism, medyo nalagay na naman siya sa alanganin. Inalis muna siya sa puwesto at akala ng iba ay iyon na ang katapusan ng kanyang government service, pero hindi pa pala dahil ngayon nga, siya ay itinalagang deputy administrator ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).

Siguro ang basehan nga ay dahil bilang isang entertainer at nakapag-trabaho rin naman siya sa abroad, kaya may ideya na rin siya ng buhay doon at kung ano nga ba ang magagawa para matulungan ang overseas workers.

Hindi lang natin alam kung matatagalan din naman niya ang trabaho kung aabot nga doon sa punto na kailangang siya ang humarap sa mga problema kagaya ng nangyari kay Arnell Ignacio noong araw. Si Arnell naman kasi masyado nang napagod at na-realize niya na nag-aabono pa siya ng sarili niyang pera, samantalang bilang entertainer mas malaki ang kikitain niya,wala pang sakit ng ulo.

Sana makatagal si Mocha.

John Lloyd nagagamit ng pelikulang gustong isali sa MMFF

Naniniwala ang isang pelikula ngayon na siguro nga makakapasok sila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil ang actor na si John Lloyd Cruz ay nagkaroon pala ng cameo role sa kanilang pelikula. Sinasabi nga kasi ng iba na kahit na cameo role lang iyon dahil sa tagal naman ng pananabik ng mga tao na mapanood si John Lloyd, makakatulong iyon para kumita ang pelikula.

Iyon kasing commercial viability ng isang pelikula ay isa sa factors na binibigyang kunsiderasyon sa pamimili ng pelikulang isasali. Napansin din naming nagsimula na sila ng kanilang promo gamit ang internet kung saan nila inilalabas ang screen grab kung saan nakikita si John Lloyd sa pelikula nila. Pero gaano nga ba kalaki ang role, kung wala rin, maiinis pa ang mga taong umaasang mapapanood nila ang matinee idol.

Male starlet yumaman sa off shore gambling!

Mayaman na pala ngayon ang isang dating male starlet na tinuringang walang K sa kanilang show noong araw. Ngayon marami na siyang negosyo na milyon ang puhunan. Dahil daw iyon sa kanyang transport business na may kinalaman din sa mga POGO o iyong off shore gambling.

Siya ang sumusundo sa mga manggagawang Tsino pagdating sa airport at nagdadala sa kanila sa kanilang titirahang lugar habang nagtatrabaho sa off shore gambling dito sa Pilipinas. Napakalaki pala ng kita sa ganoon, dahil bukod sa bayad, may incentives pa sa bawat manggagawang sasalubungin.

MOCHA USON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with