Liza tatakbo sa senado sa 2022?! Direk Mel Chionglo at entertainment editor na si Isah Red magkasunod na pumanaw
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

Inalala ni Film Development Council of the Philippines Chairwoman Liza Diño-Seguerra ang sinabi sa kanya ni direk Mel Chionglo nang magkita sila sa Sine Sandaan event na inorganisa last September 12 sa New Frontier Theater.

Ipinost ni Liza sa Facebook page niya ang mga huling sinabi sa kanya ni Direk Mel, “Liza, you’ve gone a long way from the time I directed you in our film. Sino mag-aakala I’m so proud of you my dear! You are doing wonders for our industry.”

Hindi niya akalain na huling pagkikita na pala nila ng director ‘yon. Pumanaw na si Direk Mel nu’ng madaling araw ng Setyembre 21.

Ayon pa kay Liza, naging artista siya ng director sa pelikulang Two Timer at Xerex ng Regal Films noong 2002.

“Back then I still had so much qualms about acting. But as the amazing director as he was, he made me feel there could be a bright future for me here. Fast forward, 17 years after…I am here and able to serve this industry that I love so much,” bahagi pa ng message ni Liza sa yumaong direktor.

Halos magkasunod na pumanaw si Direk Mel at entertainment writer and editor Isah Red.

Pumanaw naman nang payapa si Isah ayon sa resulta ng examination ni Doctor Hernando Delizo, isang adult medical specialist.

Hindi rin makapaniwala si Liza na wala na si Isah na isa sa mga kaibigan niyang member ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Sa isa namang FB post ni Liza, may patama naman siya sa patuloy na bumabatikos sa kanya lalo na sa katatapos na Sandaan. Heto ang buwelta niya.

“I have smiled at people who have said the most terrible things about me and they think I don’t know…”

“You know who you are. When you can’t beat them, kill them…WITH KINDNESS.”

Pero alam ba ninyo ang latest intriga kay Liza? Tatakbo raw siya bilang senador sa 2022, huh!

Anyway, ang aming pakikiramay sa mga naulila ni direk Mel at Isah…

LIZA DIñO-SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with