Kathryn Bernardo at Alden Richards
Kathryn-Alden movie malapit nang malampasan ang The Hows...
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Alam mo, Salve A., kulang-kulang na lamang nang P200-M ang bubunuin ng pelikulang Hello, Love Goodbye na unang tambalan sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at aabot na ito sa record-breaking movie nung isang taon nina Kathryn at Daniel Padilla, ang The Hows of Us na kumita sa takilya ng P900-M sa Philippines at international screening ng pelikula.

Ang dalawang magkahiwalay na pelikula ay parehong dinirek ni Cathy Garcia-Molina na nakatakdang mag-retire after two movies more under Star Cinema.

Kumita na ng mahigit P600-M ang local screening ng HLG at mahigit namang P100-M ang partial na kinita nito sa international screening.

Ang nakakatuwa lamang, pelikula rin mismo ni Kathryn at ni Direk Cathy ang maglalaban bilang local record-breaking movie of all time.

Concert nina Pops at Martin, tagumpay!

Malaking tagumpay ang first three concerts ng estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa Amerika na pinamagatang Two-gether Again 2019 kung saan special guest ang panganay nilang anak na si Robin Nievera.

Unang nagtanghal ang dating mag-asawa sa Palace Theatre in Los Angeles, California nung nakaraang August 10 na sinundan sa Ocean Casino sa Atlantic City in New Jersey nung August 16 at nung nakaraang Sabado, August 17 sa Chumas Casino ng Sta. Ynez, California, USA.  Sa darating na August 24, Saturday ay mapapanood ang da­ting couple sa Thunder Valley Casino sa Lincoln, California na susundan sa California Center for Arts ng Escondido, California on August 31. 
Susundan naman ito sa M Casino in Las Vegas, Nevada on September 1, Copernicus Center in Chicago, Illinois on September 6 at magtatapos sa Morongo Casino in Cabazon, California on September 8 at saka naman ito susundan ng kanyang concert tour sa Canada.

Ayon sa aming source, marami umano ang nasabik sa reunion concert ng dating couple dahil matagal  silang  hindi nagsama sa concert stage.

Kasama sa tour ang girlfriend ni Robin na si Zia Quizon maging ang bunsong anak nina Martin at Pops na si Ram Nievera.

Dra. Belo gustong maging dermatologist si Scarlet

Balak na palang mag-slow down ni Dra. Vicki Belo sa kanyang Belo Medical Group at unti-unti itong itu-turnover sa kanyang husband na si Dr. Hayden Kho na hindi lamang isang doctor kundi isa ring  businessman.

Although bata pa ang anak nitong si Scarlet Snow, pangarap ni Dra. Vicki na sana’y maging dermatologist din ito katulad niya para ito na ang mamahala ng Belo Medical Clinic balang araw.

Dumaan man sa matinding pagsubok ang relasyon nina Dra. Vicki at mister na nito na si Dr. Hayden, masaya sila ngayon sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa kasama ang kanilang four-year-old daughter na si Scarlet Snow. Magkatuwang din ang mag-asawa sa pagpapatakbo ng Belo Medical Group.

Dra. Vicki is 63 at 39 naman si Dr. Hayden pero hindi issue sa mag-asawa ang kanilang 24-year age gap.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with