Mga Pinoy mas reklamador Traffic sa ibang bansa mas malala pa!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 7, 2019 - 12:00am

Ewan ko ba kung bakit panay ang reklamo natin na matrapik sa Metro Manila eh grabe rin ang traffic situation sa Thailand, South Korea, Tokyo at Kuala Lumpur, Malaysia.

Mas scary nga sa Bangkok dahil pinapayagan na pumasada sa mga main road ang mga tuktok na equivalent ng mga tricycle sa Pilipinas.

Nakakatakot ang mga driver ng tuktuk dahil bigla na lamang sila na sumusulpot sa harapan ng mga sasakyan.

Sa South Korea naman, matindi ang traffic sa mismong highway nila pero wala tayong mga naririnig na matindi na reklamo.

Hindi katulad sa Pilipinas na kaliwa’t kanan ang complaints na parang mamamatay na ang mga tao dahil sa sobrang mga hinaing na ginagawa nila.

Kung hindi madala ng mga Pilipino ang problema sa traffic, paano nila kakayanin ang mas mabibigat na problema?

Kung inaakala nila na life and death situation ang traffic,what more pa ang mga higit na matitindi na problema ng ating bansa?

Hindi tama na masyadong pinabibigat ang problema sa trapik sa Pilipinas dahil mas grabe ang ibang mga problema sa Spratly islands, problema sa mga school, sa security, sa poverty at kung ano-ano pa.

Dapat na i- prioritize natin ang mas mabibigat na suliranin ng bayan, hindi ang maliliit na problema na ginagawa na big deal.

Ano ang mas gugustuhin ng mga reklamador na Pilipino, walang traffic pero walang kuryente at tubig?

Magaan ang traffic situation sa bansa natin pero walang makain ang mga Pinoy. Ano ba ang uunahin?

Character actress inirereklamo ng mga kapit-bahay!

Inirereklamo ng kanyang mga kapit-bahay ang character actress dahil maligalig ito at marumi sa pamamahay.

Hindi rin nawawalan ng mga bisita sa condominium unit niya ang character actress, kahit siksikan na sila ng kanyang anak at mga amo.

One time, may bisita ang character actress, ang anak ng isang pumanaw na radio personality at comedian.

Kinuyog at binugbog ng mga residente ng condominium unit ang bisita ng aktres dahil napagbintangan ito na nang-agaw ng cellphone.

Umabot sa barangay ang usapin pero walang nangyari dahil hindi sumipot ang complainant na sure na sure na ang bisita ng character actress ang nang-agaw ng cellphone niya.

One of these days, mababalitaan na lang natin na pinalayas ang character actress sa condominium building na tinitirhan niya dahil nagpetisyon ang mga neighbor na hindi na masikmura ang kanyang mga kagagahan.

TRAFFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with