^

Pang Movies

Julie Anne pangarap magkaroon ng international career

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Julie Anne pangarap magkaroon ng international career
Julie Anne San Jose

Second leg na ng concert series nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista ang The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only na magaganap sa July 6, sa The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro City. Nauna nilang ginawa ito noong January, 2019, sa Iloilo City, na naging very successful kaya naman may clamor na gawin naman ito sa ibang lugar, at heto na nga ang kasunod nila. This time special guest nila si Kapuso teenstar Kyline Alcantara at ang comedic duo nina Donita Nose at Super Tekla (DonEkla).

Ang said concert ay joint project ng Network’s regional arm ng GMA Regional TV, GMA Entertainment Group at GMA Pinoy TV.

After the presscon, natanong din sina Julie Anne at Christian kung open pa rin ba sila na magkaroon ng international careers? “Yes po,” sagot ni Julie Anne. “Lahat po tayo ay gusto ring mag-step up to a higher level, kaya po nakakatuwa na nadadala ang mga shows natin doon sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV, tulad noong mag-concert kami sa Brooklyn, New York ng Studio 7 Musikalye. Noon po ay nagkaroon din ako na chance na makapag-record doon ng ilang songs para sa isa kong album.”

“Patuloy pa rin akong tinatangkilik ng mga fans ko sa Indonesia,” sabi naman ni Christian. “Kung may mga events doon, tinatawagan nila ako to perform at pumupunta naman ako. Nasa plano ko nang gumawa muli ng isang single na iri-release ko sa Indonesia.

Tickets para sa concert ay mabibili na sa Limketkai Bizhub, Ale Restaurant, Streetby App., GMA Cagayan de Oro Station and SM Tickets. Puwede rin kayong tumawag sa 0915-535-3873, 0936-300-0243 at sa (088) 857-7933.

Mika at Barbie tahimik sa magiging ending ng KM

Sa June 28 na ang grand finale ng fantasy-drama na Kara Mia nina Barbie Forteza as Kara at Mika dela Cruz as Mia. 

Umabot na sa sukdulan ang galit at selos ni Mia kay Kara at sa tulong ng amang engkanto na si Iswal (Mike Tan), sinaksak ni Iswal si Kara para si Mia ang manatiling buhay na iaalay niya sa reyna ng gubat na si Reynara (AiAi delas Alas).

Ang netizens ngayon ang nagtatalu-talo, may maka-Kara at may maka-Mia. Pero sina Barbie at Mika, kapag tinanong mo, ngiti lamang ang sagot nila kung sino sa kanila ang mabubuhay. 

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with