Javi Benitez
Mga anak mayaman, gustong makatikim ng showbiz!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 19, 2019 - 12:00am

Kahit ano talaga ang gawin ng parents, susuportahan pa rin nila ang lahat ng mga gustong tahakin ng kanilang mga anak.

Ang maganda naman sa mga anak, sinusunod nila muna ang kagustuhan ng kanilang mga magulang bago sila gumawa ng sariling mga diskarte.

Anxious sina Congressman Albee Benitez, Cris Roque at Mayor Toby Tiangco nang pasukin ng kanilang mga anak ang showbiz at ang isang contest na very public din.

Ang mga anak nina Papa Albee, Toby at Cris, mga college graduate mula sa prestigious schools. Lumaki sila na matatalino at very responsible pero gusto nila na matikman at maranasan ang glitter ng showbiz.

Si Javi Benitez, pumasok sa Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN, si Tommy Tiangco, sumali sa Century Body contest at si Gino Roque, housemate ngayon sa Pinoy Big Brother.

Supportive ang kanilang mga magulang dahil tumupad sila sa usapan na tatapusin muna ang pag-aaral bago pasukin ang anuman na gusto nila, later on.

Sabi ko nga, walang pressure na nararam­daman ang mga kid na’to dahil may ibang fallback sila, in case na hindi maging successful ang showbiz careers nila.

May mga family business sila na pamamahalaan at para sa kanila, isang excursion lang ang showbiz na pinasok nila, just to satisfy their curiosity but in the end, winners pa rin sila.

Natupad ang kanilang mga pangarap at dahil stable ang mga pag-iisip nila, they can accept whatever outcome it will bring them. Hay naku, enjoy your picnic mga kid  then go back to work.

MVP natawa kina AiAi at Bayani

May nagkuwento sa akin na enjoy na enjoy si Papa Manny V. Pangilinan nang dumalo ito sa premiere night ng Feelennial sa SM Megamall Cinema 4 noong Lunes.

Tawang-tawa raw si Papa Manny sa mga eksena nina AiAi Delas Alas at Bayani Agbayani, ang stars ng Feelennial.

Kasama si Papa Manny sa mga audience na nakihalakhak mula umpisa hanggang ending ng pelikula.

Pati raw ang millennial audience, naloka dahil hindi nila ine-expect na bongga at so funny ng Feelennial.

Congrats kina AiAi, Bayani at Pops Fernandez, ang produ ng pelikula dahil pinag-uusapan ng buong bayan ang Feelennial.

At least, tagumpay ang joint venture ng Cignal at DSL Productions, ang producers ng AiAi-Bayani movie.

May special participation daw si Pops sa Feelennial.

Pero ang sabi ng mga dumalo sa premiere ng Feelennial, mahaba ang exposure ni Pops sa pelikula kaya hindi ito basta special participation.

May cameo appearance din si Martin Nievera na sinuportahan din ang premiere ng pelikula. Matagal nang hiwalay sina Pops at Martin pero naging magkaibigan sila.

JAVI BENITEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with