^

Pang Movies

Maine nanlamig nang ipakilala ni Arjo sa pamilya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maine nanlamig nang ipakilala ni Arjo sa pamilya
Sylvia Sanchez

Ramdam na ramdam ni Sylvia Sanchez ang tindi ng kaba ni Maine Mendoza nang ipakilala ito ng anak niyang si Arjo Atayde sa kanyang pamilya kamakailan.

Kuwento ni Ms. Sylvia kahapon sa digital program nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with guest co-host Ogie Diaz, nang dumating si Maine ay abala siya sa pagluluto pero agad nitong nakitang kabado ito kaya hinawakan niya ang kamay nito at naramdaman nga niya ang panlalamig.

Wala raw usapan tungkol sa showbiz. “Sabi ko, Maine umupo ka lang diyan. Wag kang mahiya.

“Ang gusto ko lang sa kanya, pumasok siya sa bahay na hindi si Maine. Pumasok siya sa bahay na si Nicomaine. Mararamdaman mo ‘yun kung nagpapaka-artista eh. Hindi ‘yun ang naramdaman ko,” kuwento ng mahusay na aktres kahapon.

Tanggap naman ni Ms. Ibyang na hindi maiiwasang pag-usapan si Maine tuwing kaharap niya. Feeling niya pa mas nakakaawa si Maine kung idi-deny niya ‘yun.

Klinaro rin ni Ms. Sylvia na hindi sina Ria at JM de Guzman. Ayon sa nanay nina Arjo at Ria, alam daw niyang gusto ng dalawa ang isa’t isa pero wala pang ligawang nagaganap dahil may kailangan pang ayusin. “Pareho ko silang kinausap at sinabi nilang diretsahan na like si JM na I want to keep Ria, at si Ria naman sinasabi niyang gusto niya si JM,” diretsahang sagot ni Ms. Sylvia.

Hindi na rin daw nagpapaapektado sa mga bashing si Ms. Sylvia at maging husband niyang si Mr. Art Atayde. Lalo na raw si Arjo na super dedma sa lahat.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa full interview ni Ms. Sylvia sa Take It... Per Minute! bisitahin lang ang facebook page ng Pilipino Star Ngayon. Ang saya at marami siyang revelations.

Angelica hindi na kilala si Carlo

 “Wala, hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon. Hindi kasi kami nag-uusap so wala akong alam sa nangyayari sa kanya,” reaction ni Angelica Panganiban nang tanungin siya sa ex na si Carlo Aquino na buong akala ng lahat ay makakabalikan niya. “Matagal ko nang hinintay ‘yung explanation niya. Sana matagal na niyang ginawa,” dagdag niya sa aktor na mas pinili ang non showbiz girl kesa sa kanya.

Ngayon ay ayaw na raw muna sa lalaki ng aktres sabi niya sa interview ng ABS-CBN.com.

“Hindi ko lang hinahanap. Hindi ko kailangan,” dagdag ng aktres.

TNT Boys, mangunguna sa pagkanta ng Lupang Hinirang

Ipagtitibay ng ABS-CBN ang pangako nitong paglingkuran ang mga Pilipino nang may pagmamahal at malasakit sa taunang flag raising ceremony nito tuwing Araw ng Kalayaan ngayong Miyerkules (Hunyo 12) pagkatapos ng Umagang Kay Ganda.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Kapamilya network ang tatag ng Pilipino sa harap ng hirap, trahedya, at kalamidad. Kikilalanin din nito ang mga nakasama ng ABS-CBN sa paghatid ng tulong sa milyun-milyong mga Kapamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto ng kumpanya sa nakaraang 65 na taon.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng ABS-CBN chairman na si Mark Lopez ang mga donor, partner, at volunteer na nakibahagi sa misyon ng ABS-CBN na maglingkod sa mga Pilipino sa loob ng mga nakaraang dekada.

Mapapanood ang panunumpa sa layuning ito sa Araw ng Kalayaan, na pangungunahan nina ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak.

 Mangunguna naman sa ABS-CBN Flag-Raising ceremony ang TV Patrol anchors na si Noli “Kabayan” De Castro at Bernadette Sembrano. Tampok din dito ang international singing sensation na TNT Boys, na kakanta ng Lupang Hinirang at isang bagong awit mula sa National Artist na si Ryan Cayabyab, kasama ang singing group na The Company. 

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with