Janine laging winner sa mga sinusuot
Joe Barrameda (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit ano yata ang suotin ng Dragon Lady lead star na si Janine Gutierrez ay babagay sa kanya. Pinatunayan niya ito sa nakaraang episode ng Afternoon Prime soap kung saan isang fierce na Scarlet del Fuego ang humarap sa kanyang mga kaaway suot ang isang sexy police uniform.

Agad na naging usap-usapan ito sa Twitter at humanga lalo ang fans sa karakter niyang si Scarlet! Kaya naman walang tigil ang pag-angat sa ratings ng Dragon Lady dahil nakatutok ang marami sa mga kaganapan sa serye tuwing hapon pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sanya napuri

Inulan ng papuri ang Kapuso star na si Sanya Lopez bilang Mariel sa pinakabagong Afternoon Prime soap ng GMA Network na Dahil sa Pag-ibig. Hinangaan ng netizens ang mahusay na pagganap ni Sanya sa kanyang role at inihayag nila ang kanilang saya sa Twitter.

Kaya naman nakaabang na tuwing hapon ang fans at supporters ni Sanya sa mas maiinit na eksena sa Dahil sa Pag-ibig, tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagtapos ng Bihag sa GMA Afternoon Prime. 

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with