Aktor na hindi aktibo malaki ang kinita sa mga paupahang apartment at trucking business
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

Ang bongga pala ng not-so-active actor na ito.

Sa mga townhouse pa lang daw na paupahan nito ay ang laki na ng kita.

Kahit pa sabihin na mukhang hindi masyadong nag-aayos si aktor ngayon ay hindi naman masasabing wala na siyang pera.

Sobrang dami niyang pera dahil may trucking business pa nga raw ito.

‘Yung mga nang-iintriga raw kay aktor ay ‘yung mga walang alam sa dami ng investments niya.

‘Yun na!

Vico sobrang masunurin na anak

Marami ang nababaitan sa hitsura ng mayor-elect ng Pasig City na si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

May isang dating kaklase si Vico na nakatsikahan ko at talaga raw mabait ang binata.

Hindi lang daw basta mabait si Vico, sobrang masunurin pa sa kanyang parents, lalo na sa nanay niyang si Coney.

Noon daw, kapag iimbitahan nilang maglaro ng basketball si Vico, talagang magpapaalam pa raw ito sa kanyang nanay at kapag hindi pinayagan, magsasabi sa mga kaibigan na hindi puwede.

At kahit anak siya nina Vic at Coney, sobra rin daw mapagkumbaba ang binata, kaya naman marami ang bilib sa kanya.

Sigurado nga raw na matutuwa ang mga taga-Pasig City sa ugali ng kanilang mayor-elect.

John at Jason hindi mahilig mag-utos

Sina John Prats at Jason Gainza sa isang coffee shop sa ABS-CBN compound noong Thursday.

Tuwing Thursday kasi ang taping nila ng Banana Sundae.

In fairness, hindi mahilig mag-utos ang dalawa sa kanilang mga kasama kapag gusto nilang magkape, sila mismo ang lumalabas ng studio para bumili.

“Ok na ok,” naman ang sagot ni John nang kumustahin ko sa kanya ang misis na si Isabel Oli.

Ruffa at foreigner BF nagkasawaan na

Ang duda ng mga kaibigan ni Ruffa Gutierrez na hiwalay na talaga sila ng foreigner BF na si Jordan Mouyal.

May isang kaibigan nga si Ruffa ang nagtanong sa akin kung totoo raw ba ang dialogue ng aktres na bored na siya sa kanyang love life?

Ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama ay mas gustong paniwalaan na hiwalay na nga ang anak sa boyfriend dahil wala nga raw siyang nababalitaan lately about Jourdan.

Well...

 

VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with