Mga pulitikong inindorso ng mga artista, mas marami ang natalo kesa nanalo
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 12, 2019 - 12:00am

Napansin ba ninyo na mukhang kakaunti ang mga artistang endorser ng mga kandidato sa eleksiyong ito. At hindi kagaya noong mga nakaraang mga eleksiyon? Napansin din ba ninyo ang sinasabi ng ilang mga kritiko na ang ilang kandidatong hayagang ine-endorso ng mga artistang sikat pa naman ay mukhang matatalo?

Hindi na nga yata ito ang panahon ng endorsement ng mga artista sa pulitika.

Noong nakaraang eleksiyon, talamak ang endorsement ng mga artista. Hindi nga ba’t alam na alam ng lahat na noon ay merong isang loveteam na binayaran ng isandaang milyon para magkampanya lamang sa isang kandidato? Tinabla nila ang lahat ng assignments nila sa telebisyon at maging sa pelikula at talagang nagkampanya sila nang todo, pero ang ending talo ang kanilang kandidato.

Huwag na tayong magbanggit ng pangalan, puspusan din ang kampanya ng isang aktres para sa tiyuhin niyang kandidato pero bumagsak din noong nakaraang eleksiyon at mukhang bagsak na naman sa panibagong pagtatangka ngayon.

Hindi rin guarantee kahit na superstar ka pa. Sinasabing ang isang artistang ikinakampanya ng isang sikat na sikat na aktres ay tiyak na kakain lamang ng alikabok bukas sa araw ng eleksiyon.

Mukhang pagdating sa eleksiyon, mautak na talaga ang bayan at hindi na sila natatangay ng mga artista. May mga artista pa ngang kandidato mismo na sinasabi rin nilang malabong manalo.

Ang sinasabi nga nilang mananalo lamang na taga-showbiz ay iyong mga datihan na at subok na rin naman sa paglilingkod, pero iyong mga umaasa sa suntok sa buwan, wala na iyan.

“Iyong animal lovers nga hindi rin nakinig kahit na kabayo pa ang nag-endorse doon sa isang kandidato, na mukhang kabayo rin,” ang nagtatawa pang sabi ng isang movie writer sa amin.

Arjo harap-harapan kung lambingin si Maine

Palagay namin, maling sabihing “exclusively da­ting” pa lang hanggang ngayon sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. May nakita pa kaming video eh, na sa harap mismo ng publiko, o baka nawala na sa loob niya na nasa harap sila ng ibang tao, hinalikan pa ni Arjo sa may batok si Maine. Si Maine ay wala namang ipinakitang pagtutol.

Kung ganyan ang nakikita mong nangyayari kahit na sa harap ng publiko, aba eh mag-syota na talaga sila. Hindi na iyan pa-date date lamang.

Mabuti naman iyong fans natanggap na iyon. Siguro nakita na nilang anumang palag ang gawin nila talagang wala nang mangyayari. Kahit na anong pananakot ang gawin nila kay Maine na pababagsakin nila hindi natinag eh.

Simbahan sa Sta. Ana isa sa pinakamatanda sa Pilipinas!

Sisingit lang po ako. Ngayon ay kapistahan ng Birhen ng Walang Mag-ampon, patrona ng Sta. Ana sa Maynila. Mapaghimala po ang birheng iyan na 302 taon na ngayong patrona ng simbahan sa Sta. Ana. Ang simbahan po ng Sta. Ana ay isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas at kabilang po sa naging kura ng simbahan ang santo na ngayong si San Pedro Bautista. Kaunting history lang po.

Birthday rin po ngayon ni Mayor Herbert Bistek Bautista. Matagal na po naming kaibigan iyan at okay lang na banggitin namin siya dahil hindi na po siya kandidato sa eleksiyong ito. Magbabalik na po siya bilang isang actor pagkatapos ng kanyang tungkulin sa Hun­yo, matapos niyang maisalin iyon sa babaing makakapalit niya. Iyon lang.

 

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with