^

Pang Movies

Martin sinusulit ang bakasyon sa Bora

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin sinusulit ang bakasyon sa Bora

Ang Boracay vacation ni Martin Nievera kasama ang girlfriend na si Anj del Rosario at iba pa.

Enjoy si Martin sa Boracay at sinabing immaculately clean paradise ang nasabing island.

Maraming mga bakasyunista sa Boracay ang tuwang-tuwa na nakita roon si Martin.

Usual, mapagbigay si Martin sa mga nagpapa-picture kasama siya.

Pagdating sa pag-a-accommodated sa mga fan, champion diyan ang Concert King.

Hanggang sa Wednesday magbabakasyon si Martin at ang kanyang mga kasama sa Boracay.

Ine-enjoy ni Martin ang bakasyon sa Boracay dahil after that ay balik-trabaho na naman siya.

Ngayong June at July, may Middle East Tour siya kung saan ay reunited na naman siya with Lani Misalucha.

Jana Victoria mabilis lang pumayat

Hindi ko namukhaan si Jana Victoria nang dumating siya sa advance birthday dinner na ibinigay sa akin ng ilang mga kaibigan noong isang gabi.

Ang laki ng ipinayat ni Jana.

Ang bilis pala niyang pumayat kapag gusto niya.

Pinaghahandaan kasi ni Jana ang pagsisimula niya ng taping sa Love Thy Woman, ang bagong primetime series ng ABS-CBN na pangungunahan ni Kim Chiu at Xian Lim.

Super active na naman si Jana sa pag-arte.

Sabi ni Jana, boyfriend-free siya ngayon at career na ang kanyang priority.

Nang ipalabas nga pala kamakailan sa CCP (Cultural Center of the Philippines) ang Lagarista movie nila ni Piolo Pascual, marami ang nagsabing dapat ay magkasama uli sila sa isang project.

Actor-politician ayaw pang ipagsabi sa iba ang pagpapakasal sa GF

Hindi pa pala open sa ibang mga tao ang actor-politician na ito tungkol sa tsikang pakakasalan na niya ang kanyang girlfriend.

Pero sa ilang mga malalapit sa kanya, hindi na raw ‘yon ikinakaila ni actor-politician.

Sabi ng isang nakausap ko, baka raw hinihintay muna ni actor-politician na matapos ang mid-term elections at saka siya mag-a-announce ng tungkol doon.

Well...

Annabelle kinakarir ang pagbebenta ng tickets

Ang pagiging abala ni Annabelle Rama sa pagbebenta ng tickets para sa birthday show ni Ruffa Gutierrez on June 22 sa Marriott Grand Ballroom.

Sabi ni Bisaya, almost sold out na ang tickets niya.

Isa si Zsa Zsa Padilla sa performers sa concert na ‘yon.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with