^

Pang Movies

Kahit sobrang lamig Mikael at Megan naghubad sa hot spring sa Iceland!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kahit sobrang lamig Mikael at Megan naghubad sa hot spring sa Iceland!
Mikael & Megan

Natuloy na rin ang bakasyon ng Kapuso sweethearts na sina Mikael Daez at Megan Young sa bansang Iceland. Kasama nga ang Iceland sa bucket list nila ng mga bansang gusto nilang pagbakasyunan.

Hindi raw in-expect ng dalawa ang sobrang lamig sa Iceland kaya bumili pa sila ng extra layer of clothes para makaramdam sila ng init.

Pero kahit na sobrang lamig sa Iceland, masaya silang dalawa na nakara­ting na rin sila roon para mag-explore at uminom ng sikat nilang coffee doon.

Nagtampisaw din ang magka-relasyon sa popular na hot spring sa Iceland. Wala ngang takot na tumalon ang dalawa na walang mga suot.

“It’s 7am, the wind is blowing like crazy and the temperature is around 3 degrees celsius. The first thing we decide to do is strip down and jump into a super cute mini hot spring!! It feels like you’re going to freeze at first but after a few minutes, it’s the best feeling in the world. Currently having a blast in Iceland. More photos coming soon. Kaya niyo rin ba gawin toh?! #HindiNatakotSiBonez #YayForMe” caption ni Mikael.

Andi walang pakialam sa kapangitan sa pagbubuntis

Hindi fan si Andi Eigenmann sa paggamit ng filters sa kanyang mga photo. Kaya sa latest post ni Andi sa Instagram, pinakita nito ang kanyang baby bump kung saan kita ang kanyang stretch marks, cellulite at sagging butt.

Umani ito ng papuri sa ibang netizens, lalo na sa mga ina na tulad ni Andi na dumaraan din sa hirap ng pagbubuntis.

Walang pakialam ang aktres sa bashers at haters na lumalait sa kanyang preggy photo. Nais lang ipakita ni Andi na hindi glamorous ang mabuntis.

Happy na buntis naman si Andi dahil sa kanyang anak na si Elle at ang ama nang pinagbubuntis niya na si Philmar Alipayo.

vuukle comment

MIKAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with