^

Pang Movies

Coco Martin nag-a-ala John Lloyd Cruz

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco Martin nag-a-ala John Lloyd Cruz
Coco Martin, John Lloyd Cruz

Anik ba talaga ang totoo kina Coco Martin at Julia Montes?

Ang dami nang nakikialam at nagsanga-sanga na ang mga kuwento sa umano’y panganganak ni Julia na ang ama nga diumano’y ay si Coco.

Wala namang masama. Choice nila na ‘wag itong ibunyag kung totoo ngang may anak na sila.

Or baka naman another case ito ng Alden Richards and Maine Mendoza na pinipilit ng fans nila na may anak na eh wala naman talaga.

Wait na lang natin. Siguro naman hindi nila uunahing umamin sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna na umano’y may anak na pero ayaw namang ilantad publicly.

The Hows... ng KathNiel nasa iwant na, Kathryn at Alden magkasama na

Puwede nang balik-balikan ang mga paboritong eksena at relatable na mga linya sa highest-grossing Filipino film of all time na The Hows of Us dahil maaari na itong mapanood kahit saan at anumang oras sa iWant simula Abril 12.

Pero may bayad sa pamamagitan ng pay-per-view, mapapanood ang record-breaking movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na idinirek ni Cathy Garcia-Molina sa iWant, ang streaming service ng ABS-CBN.

Ulit-ulitin ang kilig, sakit, at saya ng pag-ibig sa The Hows of Us at mag-download na ng iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.

So far ito ang last movie ng KathNiel.

Sasabak na nga sa shooting ng pelikula with Alden Richards si Kathryn Bernardo at umalis na sila pa-Hong Kong kahapon.

Balitang three weeks silang maglalagi sa HK.

Thai loveteam nakuha ng GMA

Isang royal story sa hit Thai series na The Crown Princess ang mapapanood sa GMA 7.

Itinatampok ng Lakorn na ito ang isa sa pinakainaabangang loveteams sa Thailand, sina Urassaya Sperbund at Nadech Kugimiya. Bibigyang buhay ni Urassaya ang karakter ni Princess Alice. Siya ang tagapagmana ng bansang Hrysos. Gaganap naman bilang Lieute­nant Commander Dawin Samuthyakorn si Nadech, ang lalaking pinahahalagahan ang kanyang dangal bilang isang sundalo.

Ipinadala sa Thailand si Princess Alice mula nang manganib ang buhay niya noong kanyang koronasyon bilang prin­sesa. Upang masigurado ang kaligtasan nito, naatasan si Dawin upang maging bodyguard ng dalaga. Iniutos din ng Hari na magpakasal ang dalawa.

Lingid sa kaalaman ng prinsesa, mas malaking problema ang kailangan niyang harapin sa kanyang bansa at sa kanyang personal na buhay.

Ano ang mas mananaig - ang pag-ibig o ang kanilang tungkulin sa bayan?

Mapapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng TODA One I Love, sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

COCO MARTIN

JOHN LLOYD CRUZ

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with