Aktor na natsitsismis na isang kloseta, nagpakita ng pandesal kasama ang mga hunk
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 3, 2019 - 12:00am

Piyesta ang mga mata ng natsitsismis na klo­setang aktor na kasama niya sa isang movie.

Halos young hunks ang kasama ang aktor at sa beach ang location ng shooting, huh! Siyempre, ilalabas din ng mga hunk actor ang kanilang pandesal sa ilang eksena. At kung susuwertihin, masisipat niya ang mga bukol kung sakaling may eksenang naka-trunks ang mga hunk actor, huh!

Eh kahit guwaping din ang sinasabing klosetang aktor, malamya siyang kumilos kaya pinagdududahan ang gender niya!

Jose absuwelto sa P50 million kaso ng dating asawa!

Absuwelto si Jose Manalo ng Court of Appeals sa civil liability sa P50 million civil case na isininampa laban sa dating asawa, Annalyn Manalo.

Sa resolusyon dated March 28 na inilabas ng Former 17th Division, “affirmed its earlier decision upholding a lower court’s ruling which disapproved a debt compromise agreement entered into by Manalo’s wife, Annalyn, that attempted to bind the TV personality without consent.”

Ayon sa RTC Quezon City and subsequently the CA, “found the agreement ‘contrary to law’ because Manalo did not sign it and thus did not sonsent to the deal.”

“To repeat, the compromise agreement was signed by only one of the two defendants; Annalyn. On the other hand, herein private respondent Ariel or Jose, her husband and co-defendant, was not made a party to the settlement with the plaintiff, Froila,” ayon sa tatlong pahinang ruling ng Court of Appeals.

Ate Vi at mga kapatid, kumpleto para sa ina!

Ngayong araw ang simula ng viewing sa Loyola Memorial Chapels ng labi ng mother ni Congresswoman Vilma Santos-Recto at lola ni Luis Manzano, si Milagros Santos.

Namatay si Mama Santos (tawag sa kanya sa showbiz) last April 1 at inilabas ni Lucky ang pagyao ng lola sa Facebook page niya.

Sa text sa amin ni Ate Vi, darating ang iba niyang kapatid mula sa States para sa burol ng ina. Saad pa niya, itatabi sa libingan ng ama niyang si Papa Santos ang labi ni Mama sa Loyola.

Ang aming pakikiramay...

JOSE MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with