Kasal kunu-kuno nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Vatican pekeng-peke!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Nakabalik na sa bansa si Alden Richards at pwede na siyang matanong sa nakakalokang tsika na kumakalat online na ikinasal daw sila sa Vatican ni Maine Mendoza last Saturday. At mas nakakaloka na may mga naniwala pa rin, ni-retweet pa ang fake news at ang mga naniwala, nag-celebrate.

Ano pa kaya ang kailangang gawin nina Alden at Maine para ipaintindi na hanggang ngayon ay naniniwala pa ring couple sila na wala silang relasyon?

Ilang beses na nilang itinanggi na friends lang sila at former love team, pero may mga paasang account na iniiba ang istorya at gumagawa ng mga maling balita.

Ngayon lang nagkaroon ng TV Ad

Napanoood namin ang TV ad ni Senator JV Ejercito na muling tumatakbong senador sa midterm elections sa ilalim ng National People’s Coalition o NPC. Nabanggit kasi ni Sen. JV na kamakailan lang siya nagkaroon ng TV ad dahil mahal ang bayad sa TV network.

Maganda ang TV Ad ni Sen. JV, kahit maikli lang, pinunto ang kinu-consider niyang landmark bill na regalo niya sa mga Pilipino, lalo na ang mga walang kakayahang magpa-ospital at bumili ng gamot.

Ito ay ang Universal Health Care Act na kung saan, pwede nang magpa-ospital at matingnan ng doctor ang lahat ng may sakit, lalo na ang mga walang kakayahan financially. Tinanong namin si Sen. JV kung lahat ng sakit ay tatanggapin sa Universal Health Care Act? Ang sagot nito, depende pa rin sa coverage ng PhilHealth.

Aminado si Sen. JV na kailangan pa niyang mangampanya lalo na at wala siya sa Top 12 ng survey ng senatoriables.

ALDEN RICHARDS JV EJERCITO MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with