Claudine Barretto
Pagpo-post ni Claudine ng pagmamahal kay Rico, ‘di magandang tingnan
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

I can say na I honor kung anuman ang feelings ni Claudine Barretto para kay Rico Yan, ‘yung sinasabi na nasa loving arms na ni God si Rico pero mananatili ito sa puso ni Claudine.

Hindi nga lang kasi magandang tingnan na nagkaroon na si Claudine ng asawa, si Raymart Santiago at may anak na sila pero isinasapubliko pa rin niya ang nararamdaman para kay Rico.

Kung totoo man na ganoon katindi ang naging pagmamahal niya kay Rico, okey fine pero paano naman ipapaliwanag ni Claudine ang  feelings niya para kay Raymart?

Respeto na lang siguro na private na ang gawin niya na grieving for a love that she lost, huwag nang ipagsigawan pa para hindi na mabigyan ng ibang kulay.

But if ‘yon ang gustong gawin ni Claudine, okey lang, siya naman ang mas nakakaalam ng mas mabuti para sa kanya. Gawin niya ang what she thinks is good for her.

Competent ang assistants, nagre-reflect sa mga boss

One big thing kahit kaninong executive o politician ang pagkakaroon ng efficient at very helpful na personal assistant o secretary.

Kapag very sweet at competent ang assistant, sure ka na lalo mo pang mamahalin ang kanilang mga boss.

Diyan number one ang mga tauhan ng mga Villar, nina former Senator Manny, ang kanyang misis na si Senator Cynthia at ang kanilang anak, ang DPWH Secretary na si Mark.

Pagdating sa competence, walang tatalo kina Avic Amarillo, Nini Enrique at Anne Mae Lamentillo.

Basta may inilapit sa kanila, sigurado na magagawa nila. Hindi na kailangan ng follow up dahil on the dot, nandiyan ang mga hiniling sa kanila.

Second sa pagiging precise at competent si Eric Cham ng mga Atienza, sina Party-List Representative Lito Atienza, Lei Valdepenas, Maile at Ali.

Sina Marivic Larrazabal at Tet de Joya ni Congressman Albee Benitez, bongga rin dahil madaling natutuhan ang ranking at levelling.

Pero hanga rin ako kay Anna, ang assistant ni Senator Sherwin Gatcha­lian mula noong mayor pa ito hanggang manalo na senador. Ganoon din kay Budingding at Jerry ni Aileen Go.

‘Yung iba naman, mismong sila ang competent sa pag-aayos ng lahat, like sina Dra. Vicki Belo, Cris Roque at Rhea Tan.

‘Yung iba kasi, kakaiba ang set up kaya hindi natin na- encounter ang kanilang mga assistant at hindi natin alam ang klase ng ma­nagement nila like Pandi, Bulacan ex-Mayor Enrico Roque, Victor So ng Bizarre at Dody Arcaya ng Dickies.

Sila ang personal na tumatawag, nag-aasikaso kaya hindi ko kilala kung sino ang mga assistant nila.

Ang capacity ng isang kompanya to maintain their ties with outside connections, nasa mga tao na namamahala. Dapat talaga dependable, may word of authority, may conviction para magtiwala ka at umasa na they will do their job.

Importante ‘yon. Success is connected to the handler, kaya dapat competent ang mga  tao na inilalagay.

Bakit ganoon kayaman ang mga Villar? Because they have competent people, they have people who are part of their success. Bongga sina Avic at Nini, saludo kami sa inyo!

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with