^

Pang Movies

iWant, mas safe na sa mga bata, may handog na bagong shows

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas mababantayan na ng mga magulang ang pinapanood ng kanilang mga anak sa streaming service na iWant ngayong mayroon na itong child safety feature para sa videos na may maseselang tema.

Sa pamamagitan ng naturang feature, maiiwasang mai-stream ng mga bata ang iba-ibang shows at pelikulang may mga eksenang hindi angkop sa mga bata, gaya ng karahasan at sex.

Madadagdagan naman ng saya, kilig, at aksyon ang iWant sa dalawang bagong series nitong Bagman, tungkol sa isang ordinaryong lalaking lalamu­nin ng katiwalian, at Touch Screen na tiyak na mae-enjoy at makaka-relate ang buong pamilya.

Masisilip sa Bagman ang masukal na mundo ng pulitika at mga makapangyarihang tao sa pamamagitan ng kwento ng karakter ni Arjo Atayde. Isang ordinaryong barbero sa simula, unti-unti niyang tatalikuran ang kinasanayang buhay at masisilaw sa pera at kasakiman dahil sa patuloy niyang pagsisilbi sa isang gobernador bilang “bagman” nito. Magsisimulang i-stream ang unang anim na episodes ng action-suspense series sa Marso 20 at ang huling tatlong episodes naman sa Marso 27.

Ipapakita naman ng Touch Screen ang epekto ng social media, internet, at teknolohiya sa totoong buhay. Bida sa tatlong episodes nito sina Janella Salvador, Pokwang, at Denise Laurel at napapanood na ngayon sa streaming service.

Noong Pebrero, nagtala ng 80 milyong views ang iWant dala ng patuloy na panonood ng users mga pelikula, bagong original movies at shows gaya ng Allergy in Love, Hush, at Apple of My Eye, at pagsubaybay ng sports fans sa mga laro ng paborito nilang mga liga sa bagong iWant Sports section. Bi­nabalik-balikan din sa streaming service ang episodes ng Kapamilya programs, kabilang na ang top ten most watched shows dito na Halik, Kadenang Ginto, The General’s Daughter, Pinoy Big Brother Otso, FPJ’s Ang Probinsyano, Playhouse, Los Bastardos, It’s Showtime, Gandang Gabi Vice, and Maa­laala Mo Kaya.

vuukle comment

IWANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with