^

Pang Movies

Kristofer ililibing na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kristofer ililibing na!

Ngayong 3:00PM sa Manila Memorial Park ang li­bing ng yumaong indie actor na si Kristofer King pero may 2:00 PM mass muna.

 

Maililibing ang mga labi ni Kristofer na rin sa tulong ni Coco Martin na nagpadala ng P230,000 na tulong noong Martes, bago ‘yon, nagbigay ng kanyang huling respeto sa yumaong kaibigan ang ABS-CBN actor nang magpunta siya sa burol ni Kristofer sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City noong Monday night.

Doon ay nagpahayag si Coco na kapamilya at katrabaho si Kristofer kaya hindi niya ito puwedeng pabayaan.

Sa pagkakaalam ko, sobra pa ang P230, 000 sa mga dapat bayaran para mailibing si Kristofer.

May issue naman ang iba na nagalit daw si Coco nang sabihin pa ng common-law wife ni Kristofer na si Nikki ang halaga ng donas­yon ng aktor. Pero may nagsabi naman na hindi naman talaga nag-react si Coco.

Actually, hindi kasi showbiz si Nikki at kapag tinanong siya at sinasabi niya ang lahat-lahat katulad na rin noong ibigay namin sa kanya nina KC Guerrero at Jerry Olea ang P21,500 na abuloy na na-solicit namin mula sa ilang mga kasamahan sa entertainment press (kasama na ang galing sa producer na si Rex Tiri at sa dating talent manager na si Ihman Esturco) at ipinakita pa niya sa amin ang P14,000 na nalikom nila na abuloy ng mga kakilala at pati na ang sealed envelop na abuloy naman ng talent manager na si Manny Valera.

Samantala, pagkalibing mamaya sa mga labi ni Kristofer ay may matindi pa ring problemang kahaharapin si Nikki at ‘yon at ang pagpapagamot tuwing Thursday sa dalawa niyang anak na may sakit na Hunter Syndrome.

may replay…

May Kara Mia: The Enchanted Beginning sa GMA 7 ngayong 10:00AM bago mag-Sunday Pinasaya. Bale re-run ‘yon ng pilot week ng fantaserye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

May pagkakataon na ‘yung mga die-hard fans ng FPJ’s Ang Probinsyano na mapanood ang pilot week ng Kara Mia.

Malay natin at baka magandahan sila at tumutok na palagi sa Kara Mia.

Marami namang mga fan sina Barbie at Mika, pati sina Jak Roberto at Paul Salas ang nagsabing uulitin nila ang panonood ng Kara Mia.

Ogie tuma-target ng best actor sa Wes…

May celebrity screening ang pelikulang Kuya Wes na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid sa March 12, 7:00PM sa Trinoma Cinema.

Personal na nag-iimbita si Ogie para roon. Sobrang sipag ni Ogie sa pagpo-promote ng Kuya Wes na may regular showing na sa March 13.

Maraming nagsasabi na pang-Best Actor ang acting ni Ogie sa Kuya Wes.

Siguradong manonood ng celebrity screening nito ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid na sobrang tuwang-tuwa sa mga papuri sa acting ng mister sa pelikulang ‘yon!

vuukle comment

KRISTOFER KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with