Yasmien Kurdi
Yasmien nakaugalian nang mag-share ng pampa-suwerte
STARTALK - Lolit Solis (philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

Ewan ko kung saan nakuha ni Yasmien Kurdi ang kanyang ugali na magbigay ng lucky envelope sa tuwing may presscon siya.

Pero kahit noong bata pa si Yasmien, nakita ko na ang pagiging generous niya. Hindi materyoso si Yasmien pero may ugali ito na gusto niya na pantay-pantay ang trato sa kanila ng kanyang inaakala na kapantay niya.

Ayaw ni Yasmien na madehado pero mapagbigay siya.

Natutuwa nga sa kanya ang entertainment writers dahil siya lang sa mga artista ang nagbibigay ng lucky envelope kapag may presscon para sa mga bagong project niya.

Marunong talaga siya na mag-share ng blessings at mabait sa kanyang mga kasama.

Magaan si Yasmien na katrabaho kaya napupuri siya ng mga kasamahan na artista. Ang generosity niya ang sure na dahilan kaya magaan ang pagpasok sa kanya ng mga trabaho.

Hindi siya nawawalan ng mga television assignment dahil bida uli siya sa Hiram Na Anak at co-stars niya sina Paolo Contis, Lauren Young at Dion Ignacio.

Sec. Berna Puyat hands on sa re-launching ng It’s More Fun in the Philippines

Ang ganda naman ni Department of Tourism Secretary Berna Romulo Puyat sa re-launching ng It’s More Fun in the Philippines campaign.

Talagang hands on ang Mama Berna sa lahat ng project niya at napaka-efficient ng kanyang staff na si Ace sa pag-invite para makita ng media ang re-launching nito.

It is a Romulo trademark na efficient at hardworking ang sinuman sa kanila na nabibigyan ng pagkakataon sa public service.

Sina Mons at Roman, subsob din sa mga assignment na ibinigay sa kanila. Maaasahan mo talaga sila dahil ang ganda ng training sa professionalism na naituro sa kanila ng kanilang ama na si former Sec. Alberto Romulo noong naglilingkod pa ito sa gobyerno.

Proud na proud si Sec. Berna sa mga nagawa ng DOT kaya naman applause for a job well done. Thank you Ace for the invitation and giveaways.

Kris suportado ang isinusulong ni Sen. Bam

May pakiusap si Allan Encarnacion dahil love niya si Senator Bam Aquino. Nag-text daw si Kris Aquino kay Bam na suportado niya ang advocacy ng senador tungkol sa education.

Sinabi ni Kris talagang edukasyon ang pinakamagandang bagay na maibibigay mo sa iyong anak kaya talagang ginagawa niya ang lahat para maibigay ang best education sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

At sabi ni Allan, very close na sina Bam at Kris, kahit noong mga bata pa ang magpinsan. O ‘di ba, dahil hindi puwede mag-kampanya si Kris dahil sa kanyang mga kontrata, idinaan niya sa text ang pangangampanya.

Well, kung matibay ang paniwala ni Kris sa pinsan na si Bam, ganoon din siguro ang magiging suporta ng mga follower niya.

Bongga si Allan ha? May Albee Benitez na siya, may Joseph Estrada at Bam pa siya. Of course, ang kanyang fave na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Love you Allan Encarnacion na BFF ni Ka Tunying at Mama Alice Eduardo.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with