Prime actress binawalang mag-back-to-back show!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

Natanggal pala sa casting ng isang bagong primetime series na pagbibidahan ng young love team (na kapwa sinasabing may ibang minamahal na) ang isang prime actress.

Katatapos pa lang kasi ng isa pang tele­serye ng prime actress at very strict na raw ang management na hindi puwedeng back-to-back ang series ng kanilang mga artista. 

Kailangan daw munang magpahinga at hindi puwedeng sunud-sunod ang shows.

Wala namang problema kay prime actress kahit wala muna siyang show ngayon dahil isa siya sa iilang masuwerteng guaranteed contract star ng TV network na kanyang kinabibilangan.

Ang masakit ay kung umaasa lang ang artista sa per taping day!

Malayo si prime actress sa ibang mga aktres na kasabayan niya na sobrang sad na kapag magtatapos ang kinabibilangang show dahil wala na naman silang kikitain at nganga na naman ang kanilang mga beauty.

Last night nina Regine at vice, pila-pila pa rin

Ang mahabang pila kahapon sa Smart Araneta Coliseum ng mga nanood sa third and last night ng The Songbird and The Songhorse nina Regine Velasquez-Alcasid at Vice Ganda.

Wala pang 5:00PM ay grabe na ang pila ng mga fan ng Asia’s Songbird at ng Pambansang Kabayo (joke na tawag kay Vice).

In fairness, positive ang feedback sa three nights concert nina Regine at Vice, pero may mga nagsabing mahaba ‘yon.

Actually, sa Hitmakers & Ai concert naman nina AiAi delas Alas, Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila noong Friday ay may mga nagsabi rin na mahaba ang pila.

‘Yung encore number nga ng apat, hindi na nila ginawa pa.

Very touching ding ‘yung tribute nina Hajji, Rey at Marco sa ka-member nila sa Hitmakers na si Rico J. Puno.

Marami rin silang mga joke tungkol sa yumaong singer.

Maine dapat umamin, press nadadamay sa galit ng AlDub fans

Marami ang nagwi-wish na sana ay aminin na ni Maine Mendoza ang relasyon nilang dalawa ni Arjo Atayde para matigil na ang ibang AlDub fans sa pagsasabing ang entertainment press lang ang guma­gawa ng balitang may romantic angle sa dalawa.

Nakakaloka kasi ang ibang mga fan na hindi matanggap ang closeness ni Maine kay Arjo.

Pinalalabas nilang fake news ang mga nasusulat tungkol kina Maine at Arjo.

Grabe rin ang pamba-bash ng iba sa kanila sa entertainment press.

For sure paglabas ng column item na ito at may mga mamba-bash din sa amin, pero hindi naman kami puwedeng magpaapekto dahil para sa amin, bashers will always be haters!

‘Yun na!

PRIME ACTRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with