^

Pang Movies

Mga sikat na banda noon, sanib-puwersa sa isang concert!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga sikat na banda noon, sanib-puwersa sa isang concert!

Noon bang araw na kainitan ng popularidad ng mga banda, may nagsabi bang mapapanood sa isang concert lamang ang mga artist ng True Faith, Side A at South Border? Hindi lamang malaking puhunan ang kailangan mo, siguro kailangan ang isang napakalaking venue. Bukod doon, talaga bang mapagsasama-sama sila sa isang concert talaga?

 

Nagkakasama-sama rin naman sila, pero mga gig lang iyon. Hindi talagang concert. Ngayon lang sila magkakasama-sama sa isang concert at magkakatulungan pa. Isipin ninyo, si Jay Durias ng South Border ang siyang gagawa ng mga musical arrangements at musical director pa ng isang concert na kung saan kakanta rin sina Medvin Marfil ng True Faith, at Joey Gene­roso ng Side A?

Sinasabi nila kasi, wala na raw ang mga banda, pero hindi totoo iyon. Sabi ni Medvin, buhay na buhay pa ang True Faith. In fact, mayroon pa nga silang bagong album na kalalabas lang. Ang Side A naman nariyan pa rin, iyon nga lang naisipan ni Joey G na after 25 years ay humiwalay na sa grupo para magkaroon naman siya ng solo career.

Si Jay Durias naman, may biro pang sinabing “nariyan pa rin naman ang South Border, laos na nga lang.” Pero biro lang iyon, papaano mong sasabihing wala ang grupo nila samantalang ang kanilang mga kanta hanggang sa ngayon ay among the top na dina-download ng mga tao. Actually buo pa ang South Border, pero sinasabi nga ni Jay, “ako na lang ang natira sa original na banda.”

Pero ang mga mahihilig sa ganoong music, lalo na ang mga kasagsagan ay mga isa hanggang dalawang dekadang nakaraan, aba para silang tumama sa lotto dahil diyan sa concert na Playlist, The Best of OPM na gagawin sa Ara­neta Coliseum sa March 1.

Ang hirap palampasin ng pagkakataong iyan, dahil bukod sa kanila, ang daming iba pang OPM artists na kakanta ng kanilang mga hit songs, na magbabalik sa atin sa isa hanggang dalawang dekadang nakaraan sa ating musika.

‘Yan iyong panahong talagang angat na angat ang Filipino music. Iyan ang panahon na ang lahat halos ng pinakikinggan ng mga tao ay mga awiting Pinoy.

Panahon ‘yan ng kasikatan ng ating mga banda. Maski kami, hindi na­min palalampasin iyan. Isang show ‘yan aywan namin kung maulit pa nila pag­katapos niyan.

KC naungkat ang pagiging hindi Pinoy

Nasabi lang naman ni KC Montero, iyon daw mga lolo niya, kabilang sa mga survivors ng death march noong world war II dito sa Pilipinas.

Ang pamilya nila ay talagang Pilipino naman, pero ngayon kailangan niyang sumailalim sa naturalization para siya ideklarang isang Pinoy. Kagaya rin ng kanyang kapatid na si Troy, siya ay isang American citizen, at habang naririto, kailangan nila ng working visa.

Ang ipinagtataka niya, bakit mukhang napakabilis na kumuha ng Filipino citizenship ng mga basketball player halimbawa o iyong ibang mga artistang basta bigla na lang naging Pinoy nang wala namang dahilan. Iyon talagang mga dayuhan, tapos mababalitaan mo Pinoy na raw.

Mahirap magsalita tungkol sa mga bagay na iyan.

Pero sigurado may paliwanag ‘yan.

Aktor na lumayas sa mabukang manager, nagkatrabaho agad

Napansin siguro ng male talent na hindi naman siya mapapasikat ng kanyang manager na panay ang pangako at pagtuturo pa kung papaano sisikat ang mga artistang kagaya niya.

Walang sabi-sabi lumipat siya ng manager, at ang maganda, makalipas lang ang ilang araw ay kinuha na siya agad ng isang network. Mukhang totoo ang palagay niya na hindi siya kayang pasikatin ng dati niyang manager.

vuukle comment

KC MONTERO

OPM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with