Suportado ni Manny, Jinkee sagad sa buto ang kilig kay Steph Curry
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Tagumpay ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na magkaroon ng picture sa NBA superstar at star player ng Golden State Warriors (GSW) nang manood sila sa Staples Center sa laban ng GSW at LA Lakers nitong nakaraang mga araw.

Aminado si Jinkee na kinilig siya nang makaharap si Steph Curry habang ang anak naman nilang si Israel ay tila na-starstruck nang makita ang NBA superstar. “Kilig to the bones ang peg ko,” caption ni Jinkee sa video sa Instagram.

Bukod kay Stephen, nagkaroon din ng chance sina Manny at Jinkee na magkaroon ng photo-op kay Kevin Durant na teammate ni Curry.

After ng pictorial na inilabas ni Jinkee sa kanyang IG, nakausap din ng mag-asawa si Curry bago nagpaalam.

“Blessed to have finally met you! My happiest night @stephencurry30,” caption ni Jinkee sa isang picture.

Khalil at Gabbi nag­lambingan sa tuktok ng bundok

Tinuldukan na ng Kapamilya actor na si Khalil Ramos ang panahong naghahanap ng sagot sa kanyang mga katanungan last year dahil sa kanyang 23rd birthday last January 22, kapiling na niya ang rumored girlfriend na si Gabbi Garcia.

Kung last year ay mag-isang ipinagdiwang ni Khalil sa itaas ng Marlboro Hills sa Bataan ang kanyang birthday, this time, kasama na niya si Gabbi na namundok sa Mt. Batolusong sa Tanay, Rizal.

“No longer alone and with my mi personal favorita.

“I’m very much thankful to all the people who helped me along the way. Most especially this lady, who forced me to wake up at 5am for a surprise 3 hour hike!” bahagi ng caption ni Khalil sa picture sa Instagram kasama si Gabbi.

Partner naman ang tawag ni Gabbi kay Khalil at bago ang kaarawan ng rumored BF, inilabas ng Kapuso actress ang lumang foto na ni Khalil na binatilyo pa lang.

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with