Bagong kasal na sina Jason at Moira ginawan ng kanta ang lovestory

Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez

Ang sarap pakinggan ng collaboration ng bagong kasal na sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez kung saan patungkol pala ito sa kuwento ng kanilang lovestory, ang Ikaw At Ako.

Parehas silang mahilig sa pagsusulat at paggawa ng musika kaya naman hindi kataka-taka na nakagawa sila ng ganon kagandang kanta.

Ikinasal ang dalawa kamakailan lang sa Tagaytay na garden wedding ang theme, nagmistulang kasal na may concert ang nangyari matapos kantahan ni Moira ang asawa pagkatapos niyang sabihin ang kanyang wedding vow.

Iyakan naman ang guests sa nasabing kasal dahil talagang sweet na sweet ang dalawa at sobrang nakaka-touched ang mga pangako nila sa isa’t isa. Sa kasal nilang iyon mismo ang kanilang unang halik.

Umani ng maraming ‘best wishes’ sina Moira at Jason sa kani-kanilang comment section sa Instagram. Marami rin ang nag-comment na sana ma­ging sila ay makahanap na rin ng true love at Mr. Right.

Show comments