Angelika at Mika, bibida sa Wish…

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood sa Wish Ko Lang! ang real-life sisters na sina Angelika at Mika Dela Cruz ngayong Sabado (January 5).

Mag-ate rin ang role na gagampanan ng dalawang Kapuso actress pero malalagay sa alanganin ang kanilang relasyon dahil sa kagagawan ng karakter na bibigyang-buhay ni Archie Alemania.

Mahusay sa sa eskuwela, aktibo sa simbahan at mapagmahal na anak at kapatid si April (Mika). Pero babasagin ang imaheng ito ng isang karahasan na dudungis sa kanyang pagkatao.
Nakitira noon si April sa ate niya niyang si Jessica (Angelika) at sa asawa nitong si Jaime (Archie).

Pero nang magsimulang magkasakit ang kanyang ate, napansin ni April na nagbago ang pakikitungo sa kanya ng bayaw niya. Tila may malisya na ang mga tingin at ang paghawak nito sa kanya. Hanggang sa humantong na sa ginahasa na siya nito.

Binantaan ni Jaime si April na kapag nagsumbong siya, papatayin nito si Jessica. Naulit pa ang panggagahasa ng maraming beses hanggang sa sapilitang isinama na ni Jamie ang dalagita at iniwan ang kanyang asawa.

Huwag palampasin ang episode na ito ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA 7.

Show comments