^

Pang Movies

Loisa at Julia sa mga bagong bahay magpa-Pasko!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Loisa at Julia sa mga bagong bahay magpa-Pasko!
Loisa at Julia

Both Loisa Andalio and Julia Barretto are spending their respective Christmas this year in their new home na kani-kanilang ipinagawa.

Loisa’s new house is in Parañaque City habang nasa exclusive subdivision naman sa Quezon City ang bahay ni Julia.

Minsang naging love of her life ni Loisa si Joshua Garcia na boyfriend na ngayon ni Julia. Ngayon ay inlove na si Loisa sa aktor na si Ronnie Alonte, miyembro ng dance group na Hashtag. Ka-loveteam din niya ito sa MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastica.

Sina Julia at Joshua naman ay trending nga­yon sa seryeng Ngayon at Kailanman.

Coco nailang mag-action kay Vic!

Para makasiguradong magiging maganda ang kalalabasan ng fight scenes nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza sa pelikula nilang entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na Jack Em Popoy: The Puliscrediles, ini-request ni Coco ang action star at direktor na si Lito Lapid para maging fight director ng nasabing pelikula na dali-dali namang pinagbigyan ng huli.

Naging malapit na magkaibigan sina Coco at Lito nang magkasama sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na mahigit apat na taon nang umeere sa telebisyon.

Bahagi rin ngayon si Lito sa cast ng Jack Em Popoy… kasama ang kanyang anak na si Mark Lapid na naging parte rin ng Ang Probinsyano, sina PJ Endrinal, Arjo Atayde, Tirso Cruz III naman ang ilan sa mga kasama sa cast at marami pang iba.

Samantala, inamin ni Coco na big fan siya ni Vic kaya na-conscious siya noon nang sumabak sila sa fight scene, pinakalma lamang daw siya ni Lito.

Ang Jack Em Popoy… ay mula sa direksyon ni Mike Tuviera na anak ni Anthony Tuviera, ang big boss ng Eat Bulaga who is also co-producing the movie for his APT Entertainment.

Vic and Coco’s productions are MZET Entertainment and CCM Productions, respectively.

Kasal nina Lotlot at Lebanese fiancé, mas pinaghandaan kesa sa kanila ni Monching

Bagama’t gagawin sa beach somewhere in South ang nalalapit na mu­ling pagpapakasal ni Lotlot de Leon sa fiancé niyang Lebanese na si Fadi El Soury, tradisyonal pa rin naman daw ang tema nito at talagang pinaghandaan, kumpara sa una niyang kasal sa ex husband na si Ramon Christopher na ‘ura-urada’ ang nangyari.

Thirty years ago na ang nakalipas nang mangyari ang kasal na iyon, ang panganay nina Lotlot at Monching ay si Janine Gutierrez na 27 years old na ngayon at isa na ring magaling na artista tulad nila.

Nagtapos si Janine ng college sa Ateneo De Manila University.

Nakatakda ang kasal nina Lotlot at Fadi sa December 17 at balitang imbitado rin daw ang adopted mom niya na si Nora Aunor. Ganunpaman, hindi raw sigurado ni Lotlot kung makakapunta ito.

Imbitado rin sa event ang adopted father niya na si Christopher de Leon.

Kung sa side ni Lotlot ay hindi pa sigurado kung makakapunta ang mga magulang niya, sa side naman daw ng mapapangasawa nito ay siguradong present ang pamilya. Darating ang mga magulang ni Fadi all the way from Lebanon.

Ang only boy nina Lotlot at Monching na si Diego ang maghahatid sa altar habang ang mga kapatid naman niyang babae ang sa entourage.

Sec. Bong Go dinamayan si Phillip sa burol ni Alona

Sa burol ng dating aktres na si Alona Alegre, isa sa top government official na dumating ay si Secretary Bong Go. Common knowledge naman na  tatakbo si Sec. Bong Go sa 2019 elections at malapit niyang kaibigan si Phillip Salvador na younger brother ni Alona kaya siya naroroon.

Very friendly si Sec. Bong in person, he gree­ted everyone na nadatnan niya sa Marian Memorial Chapel and Crematory, Marcos Highway kung saan nakaburol si Alona.

Phillip and his brother Ramon Salvador said, nakatakdang i-cremate si Alona sa Friday, December 14.

We request all PM (Pang Masa) readers to pray for the repose of Alona’s soul.

 

vuukle comment

LOISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with