OST may labanan din sa MMFF
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Hindi pa man nagsisimula ang mga pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival 2018, patalbugan na agad sa trailer ang mga ito, theme song at official sound tracks.

 

Papakabog ba naman si Vice Ganda na siyang kumanta ng  OST ng kanilang pelikulang Fantastica? Kasama niya ang grupong Mandarhyme na grand winner ng HypeBest sa It’s Showtime. Tradisyon na si Vice ang kumakanta ng OST ng kanyang movies.

Positive lang si Vice sa kanyang mga ginagawang kanta, may love songs siyang nagagawa pero mas lamang ang masasayang kanta.

Inaasahang magiging hit ang Fantastica ngayong taon tulad ng mga nakaraan din niyang pelikula sa MMFF.

Mahigpit niyang makakalaban ang matalik na kaibigan na si Coco Martin sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, kasama sina Maine Mendoza at Vic Sotto.

Makakasama naman ni Vice Ganda sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes plus the loveteams of Maymay Entrata and Edward Barber, Loisa Andalio and Ronnie Alonte, at Kisses Delavin at Donny Pangilinan.

Abangan na lang natin kung sino sa kanila ang magwawagi bilang box-office hit!

METRO MANILA FILM FESTIVAL VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with