^

Pang Movies

Atasha nina Charlene at Aga, mas gustong mag-UK kesa mag-showbiz

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Atasha nina Charlene at Aga, mas gustong mag-UK kesa mag-showbiz

‘Di pala alam ni Atasha Muhlach, isa sa twins nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales (ang kakambal niya ay si Andres), na tulad ng kanyang Mommy Charlene na naging Binibining Pilipinas Universe 1995, at naging runner-up mismo sa Miss Universe contest the following year, isang beauty queem din ang kayang Lola Elvie Gonzales.

Yes, si Elvie ay tinanghal na Miss Press Photography (circa 65).

She could have vied for the title of Bb. Pilipinas ’66. But she chose to marry instead actor Bernard Bonnin na tatay ni Charlene. My only brother din si Charlene na si Richard.

Dating LVN contract talent, si Bernard ay considered bilang isa sa pinakagwapong actor in his time. He died in 2009.

Amazed si Atasha nang malaman ang mga ito. Pero nang tanungin namin siya kung gusto rin niyang maging beauty queen, sagot niya, hindi raw.

Sa halip, susundin daw niya ang pangarap para sa kanya at kay Andres ng kanilang ama na magtapos ng pag-a-aral.

Pareho na silang graduating sa high school na kanilang pinapasukan.

Ewan daw kay Andres, who is tall, fair and star material, pero, siya raw ay mag-aaral ng business administration sa college. Balak daw niyang sa isang university sa UK (United Kingdom) mag-aral.

May plano na raw siya ng business na kanyang papasukin. All she needs daw is the approval of her dad.

Proud daddy’s girl si Atasha at ayon sa kanya, supreme fan daw siya ng kanyang amang si Aga.

Do you know na four times daw niyang pinanood ang Se­ven Sundays, na pinagbidahan ng kanyang ama kasama sina Dingdong Dantes, Enrigue Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez.

Thrice naman niyang pinanood ang First Love, first film ng kanyang dad kasama si Bea Alonzo, na isa rin sa mga paborito niyang aktres.

Eh, siya, wala bang balak mag-artista?

“Well, I want to be a businesswoman,” ang maliksi uli niyang sagot.

Alden hindi nawawalan ng pag-asa kay Bea

Of Bea, dream pala ni Alden Richards na makapareha siya either sa isang TV show o pelikula.

Which is unlikely na magkatotoo, considering that Bea is a Kapamilya at siya naman ay isang Kapuso.

But as Alden said: “Dream, naman almost always comes true. So, allow me to dream and dream.”

Okay Alden.

Nadia may cookbook ng mga kaibigan

Malapit nang i-release ng ABS-CBN Publishing ang cookbook na isinulat ng aktres na si Nadia Montenegro.

Pawang original recipes daw niya na madaling lutuin ang mababasa doon ayon kay Nadia. Likas na raw kasi sa aktres na mahilig siyang magluto bata pa man siya.

Isa raw sa katangian niya ay alamin ang favorite na pagkain ng malalapit na kaibigan. Iluluto niya ito at ipang­reregalo when she gets the chance to see him/her.

Halimbawa raw si Ormoc Mayor Richard Gomez, na dating fellow Regal baby niya, alam niyang weakness nito ang banana cue. No wonder na nang mag-guest si Goma sa talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na Magandang Buhay, nagdala rin si Nadia ng banana cue.

Bukod sa kanyang online cooking show, busy rin si Nadine sa nagte-trending na seryeng Playhouse, kung saan kasama niya sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Kean Cipriano, Maxene Magalona at Carlo Aquino.

ATASHA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with