Gab sa ilalim ng dagat nag-propose sa bagong dyowa!

In love na naman ngayon ang second son ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilingan-Valenciano na si Gab Valenciano matapos itong mahiwalay sa kanyang ex-wife na si Tricia Centenera nung August 2016.

Ang bagong nagpapatibok ng puso ngayon ni Gab ay isang non-showbiz girl na nagngangalang Joann Santiago.

Ang pagiging official ng kanilang relasyon ay nangyari ka­makailan lang nang sila’y mag-scuba diving sa Anilao, Batangas kung saan may bitbit si Gab na isang small white board sa ilalim ng dagat. Nakasulat sa white board ang proposal ni Gab kay Joann na ito’y kanyang maging kasintahan na sinang-ayunan naman ng huli.

Kung masaya ngayon ang puso ni Gab, nasa mo­ving on stage naman ang nakababata nitong kapatid na si Kiana Valenciano na hiwalay na sa dating boyfriend nitong singer-actor na si Sam Concepcion.

KC at PEP hindi na mapaghiwalay

Kung ang Megastar mom lamang ni KC Concepcion na si Sharon Cuneta ang masusunod, gusto na nitong mag-asawa ang kanyang panganay para mabigyan siya ng apo.

At 33, nasa edad na si KC na lumagay sa tahimik and most likely ay ang kanyang present French businessman boyfriend na si Pierre-Emannuel Plassart ang kanyang makatuluyan na mukhang ready na ring magkaroon ng sarili niyang pamilya. Si Pierre ay 36.

Magmula nang muling mag-reconnect sina KC at Pierre a few months ago ay halos inseparable na ang dalawa.               

Show comments