^

Pang Movies

Mga senador, pulis mas inuuna ang show ni Coco kesa problema ng bayan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hanggang sa Senado ay pinag-uusapan ang FPJ’s Ang Probinsyano. Kung iisipin, napakaraming issues sa ating bansa ngayon, pero bakit nga ba masyadong concerned ang ilan nating mga opisyal sa isang TV show lamang?

 

Sa panig ni Senadora Grace Poe, sinasabi niyang ang seryeng Probinsyano ay isang fiction lamang at hindi dapat makaapekto sa morale ng mga pulis. Ina­asahan namin ang ganyang reaksyon ni Poe dahil ang Probinsyano ay isang proyektong involved pa rin ang yumaong hari ng pelikula na si Fernando Poe, Jr. at nagbabayad iyan ng royalty sa kanilang pamilya hanggang ngayon.

Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, maiintindihan mo rin dahil dati siyang pulis, at naging director-general pa nga ng PNP. Natural lang naman na mararamdaman din niya kung ano ang nararamdaman ni Director General Oscar Albayalde at iba pang mga pulis. Ganoon din naman ang pananaw ni Secretary Eduardo Año.

Pero kung iisipin nga, wala namang problema. Matapos na marinig ang hinaing ng PNP, si Coco Martin mismo na lead star ng Probinsyano at kasama sa creative team ng serye, ay humingi na ng paumanhin, at ibig sabihin gagawa na sila ng mga pagbabago sa serye para hindi naman mapasama ang image ng ating kapulisan. In fact, nagsabi pa nga siyang gusto niyang makausap nang personal si Director General Albayalde, para personal na humingi ng paumanhin, at tuloy magkapalitan sila ng idea.

Kaya kung iisipin, wala nang dapat pang pagtalunan diyan dahil nagkakaintin­dihan na naman ang magkabilang parte kahit na hindi pa sila personal na nagkakausap.

Tama rin naman ang sinabi ni Coco, mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento ng serye at dahil diyan maiko-correct naman siguro kung may naging pagkakamali man.

Miyembro na Clique V ide-demanda ng manager

Napuno na rin ang talent manager na si Len Carillo, at ngayon nga nagsampa na rin siya ng demanda laban sa isang dating member ng Clique V na sinasabing hindi lamang nambibitin ng kanilang mga rehearsal bilang isang boyband kundi hindi rin sumisipot sa kanilang scheduled shows.

Bukod doon ang dati raw member na naging sakit ng kanyang ulo ay may utang pa sa kanyang management company, at ang isinasama ng loob nila, ipinang-party pa raw iyon sa birthday niya bukod pa sa pinagbakas­yon sa Australia. At pagkatapos ng lahat, hindi na sumipot sa kanilang trabahong dapat gawin.

Ano nga ba ang gagawin mo sa ganun?

Firm na rin naman ang desisyon ni Len na hindi na rin pabalikin sa kanilang grupo ang pasaway na talent, dahil magiging unfair naman daw iyon sa mga member ng Clique V na napaka-loyal at masipag sa kanilang career. Hindi nga naman kawalan sa kanilang grupo mabawasan man ng isa.

Hindi na namin babanggitin pa kung sino, after all sabihin man namin hindi rin ninyo kilala dahil hindi pa naman sikat at wala pang name.

Pelikulang ipapalabas pa lang, nangangamoy flop na naman

“Naku, mukhang hindi kikita ang pelikula namin dahil walang kuwenta trailer pa lang. Walang da­ting,” sabi sa amin ng isang production insider tungkol sa isang pelikulang ipalalabas pa lamang.

Eh sino ba naman ang umaasang kikita iyan? Iyong mga pelikulang nagsimula sa linggong ito ay flop na rin lahat. Kasi nga ito ang panahong ang pera ng tao ay ginagamit sa shopping, sa pamamasyal sa theme parks, at inirereserba na nila para sa mga pelikula sa MMFF.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with