^

Pang Movies

Cast ng VM tiyak na mami-miss ang isa’t isa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagkaroon ng thanksgiving dinner ang cast, creative staff at si director Dominic Zapata ng Victor Magtanggol dahil sa malapit na pagtatapos ng action/fantaserye series. Ginawa sa 17th floor ang dinner at sa nakita naming photos, halos lahat ng cast ay dumalo. Ang wala lang dahil wala sa picture ay sina Eric Quizon, Al Tantay at Freddie Webb, pero karamihan present.

 

Ang ganda pa nga ng caption at hashtag ni Coney Reyes sa pinost na picture dahil sabi nito, “#VictorMagtanggol Thanksgiving Dinner #Blessed #Godisgoodallthetime Romans 8:28

“All things work together for the good of those who love God who are called according to His purpose.”

Siguradong mami-miss ng cast ang isa’t isa dahil naging close sila sa taping, naging pamilya sila at nakatulong para maging close sila ‘yung sama-sama silang kumakain at nag-uusap ‘pag breaktime.

Bukod sa fans ni Alden, ang mas malulungkot sa pagtatapos ng Victor Magtanggol ay ang mga batang viewers na gabi-gabing tumututok. Naghahanda na ang mga nanay kung paano ipaliliwanag na tapos na ang favorite TV show nila.

Enrico at Mikee kinakikiligan

Nakilala si Enrico Cuenca sa Jollibee TVC nila ni Ash Ortega and there was a time na kahit saan siya magpunta, “Jollibee” ang tawag sa kanya. Sabi nito sa presscon ng Recipe for Love, akala nya, forever na siyang makikilala bilang si “Jollibee.”

Hanggang sa dumating ang Onanay, isa sa primetime teleserye ng GMA 7, napalitan ang tawag sa kanyang “Jollibee” ng “Oliver” na pangalan ng karakter niya sa soap. Ito na ang tawag sa kanya ngayon na ikinatutuwa ni Enrico dahil ibig sabihin, may impact sa viewers ang karakter niya.

Natutuwa rin si Enrico na may mga kinilig sa love team nila ni Mikee Quintos.

Diego inuulan ng suporta sa IG

Kung nababasa ni Diego Loyzaga ang comments sa Instagram (IG) account niya, matutuwa ang aktor na marami ang nagmamahal sa kanya. Pinapayuhan siyang maging positibo sa pagtingin sa buhay at manatiling matatag sa pagharap sa problema at challenges.

May nagpayo rin kay Diego na la­ging magdasal at lumapit sa nanay niya, kapatid at mga kamag-anak kung feeling niya, hindi na niya kaya ang problema. Kung gusto naman ni Diego, willing ang supporters niya na makinig sa kanya, sabihin lang kung saan siya pupuntahan.

May ilang supporters din si Diego na kinagalitan siya dahil bakit daw nito iisiping tapusin ang kanyang buhay. Ang dami raw mas malaki ang problema sa kanya, pero matapang pa rin na hinaharap ang buhay.

Ang iba naman, inuunawa ang aktor dahil hindi nga naman natin alam kung ano ang pinagdadaanan niya, kaya ang mas mabuti, ipagdasal na lang natin si Diego.

Rainbow’s Sunset may impact agad ang poster

Simple, pero ang ganda ng poster ng MMFF entry na Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment. Nasa gitna ng picture nina Eddie Garcia at Gloria Romero ang picture nina Eddie at Tony Mabesa na magkayakap.

Napaka-heartwarming ng litrato ng dalawang senior citizens na in their twilight years, mas piniling magkasama and spend their remaining years together. Ang conflict ng movie, iniwan ni Eddie ang asawa niyang si Gloria at kanilang mga anak to live with his real love na si Tony.

Sa direction ni Joel Lamangan ang Rainbow’s Sunset na tampok din sina Tirso Cruz 111, Sunshine Dizon at Aiko Melendez. May special participation si Max Collins bilang young Gloria Romero.

vuukle comment

DOMINIC ZAPATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with