^

Pang Movies

Alden naba-bash sa pagdi-display ng luxury cars and watches

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden naba-bash sa pagdi-display ng luxury cars and watches
Alden Richards

Galit na galit ang isang basher ni Alden Richards at pinagbintangan niyang mayabang at show off ang aktor dahil for two days, suot nito ang mamahaling relos at gamit ang expensive cars. Ano raw ba ang gustong patunayan ni Alden?

Kasi noong Sabado (November 3), suot ni Alden ang relos niyang Panerai habang sakay sa blue Range Rover na bagong bili. Kinabukasan, Linggo (Nov. 4), Patek Philippe naman ang suot niyang relos at Jaguar sports car ang gamit. Dahil doon, natawag na mayabang si Alden.

In all fairness kay Alden, pinagpaguran at pinagpuyatan niya ang ipinambili sa collection niya ng cars at expensive wristwatches. Saka, kailan ba niya isusuot ang mga naipundar niya, kapag matanda na siya? O kaya’y hindi na magagamit o maisusuot ang mga gamit galing sa pinagpaguran niya?

Anyway, balik-taping kahapon ng Victor Magtanggol si Alden at mapapasubo siya sa matinding action scenes dahil ang action star na si Ian Ignacio ang kanyang makakalaban. Dalawang araw din siyang nakapagpahinga, kaya asahang masigla na naman siya sa pagtatrabaho.

Ang maganda kay Alden, kahit busy siya ay may time pa rin siyang maglaro ng Mobile Legends at certified gamer siya. In-announce nga nito ang gagawing Mobile Legends: Bang Bang LIGA at nagsimula na ang registration noong November 3 hanggang Nov. 11. ‘Wag magulat ang ibang gamers kung sumali si Alden dahil for him, Mobile Legends is life. Hehehe!

Mga kaibigan ni KC, kilig na kilig sa pagdating ni Pep

Masaya ang celebrity friends ni KC Concepcion sa bakasyon ng aktres kasama ang kanyang French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart. Nang i-post nga ni KC ang picture nila ng BF na naliligo sa falls sa The Farm ng San Benito, Batangas, mas naunang nag-comment ang celebrity friends ni KC.

Gaya na lang ni Lea Salonga na ang sabi, “My gash, he’s one man gun show.” Kabilang din sina Rajo Laurel, Christine Babao at iba pang taga-showbiz na sa ibang posts naman ni KC nag-comment. Gusto rin nilang mag-asawa na si KC at pabor sila kay PEP.

Hindi nabalita ang pagdating sa bansa ni PEP at kahit si Sharon Cuneta, hindi ibinalita sa followers niya sa social media ang pagdating ng negosyante, kaya nabigla ang lahat nang malamang nasa bansa pala siya.

Romnick inilantad na ang GF

Totoo naman pala ang tsikang may third party sa paghihiwalay nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta at napatunayan ito nang lumantad si Romnick kasama ang GF niya ngayon na si Jessy Lou Lucero. Hindi itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil sa isang event na maraming tao sila rumampa ng magka-holding hands pa at sa nakita naming photos, sweet ang dalawa.

Sa paglantad ni Romnick at ng kanyang GF, napatunayan din na hindi totoo ang tsismis na buntis ang GF nito. Ang usap-usapan kasi, preggy si ate gurl, pero heto, hindi naman pala buntis o baka hindi pa lang malaki ang tiyan?

Hindi pa nakakausap si Harlene sa isyung may GF pala si Romnick at magandang malaman kung paano niya ito sasagutin. Pero ang tiyak, alam na ni Harlene ang tungkol sa bagong GF ng estranged husband at hindi na nagulat.

Ryan, balik-Bulaga na!

Bumalik na sa Eat Bulaga kahapon si Ryan Agoncillo, kaya tuwang-tuwa ang fans nito na matagal siyang na-miss. Lahat ng comment sa socmed page ng Eat Bulaga ay puro pagpapahayag ng tuwa na mu­ling regular na mapapanood si Ryan na nagho-host.

Matagal nawala si Ryan sa Eat Bulaga dahil matagal ang rehab sa kanyang tuhod.

Worth it ang matagal niyang absence dahil maayos na siyang maglakad.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with