^

Pang Movies

Tapatan nina Maine, Alden at Regine fake news!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, gusto lamang naming ituwid ang lumabas na balitang magkakaroon sila ng production number sa Sunday PinaSaya tomorrow, October 21 na pantapat daw sa launch ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa ASAP.

 

Walang katotohanan iyon ayon sa SPS, “we will just do our best for the show at para magpasaya.”  Ayan maliwanag na hindi guest si Maine sa SPS kung saan mainstay naman si Alden. 

Watch na lamang ninyo si Maine tonight, sa nag-number one sa trending noong pilot episode nila, ang Daddy’s Gurl with Vic Sotto, after ng Pepito Manaloto.

Carmina hindi pa kayang magka-dyowa sina Mavy at Cassy

Ngayong umaga na ang pilot telecast ng newest talk-variety show ng GMA Network, ang Sarap, Di Ba? na iho-host ni Carmina Villarroel at ang kambal niyang sina Mavy at Cassy Legaspi. Mapupuno ito ng fun, food and music dahil mga malalapit na Kapuso stars nila ang magiging guests.

As to the topics na pag-uusapan, iwas na iwas pala si Carmina na i-tackle ang tungkol sa young love ng kambal, hindi pa raw niya kayang isipin iyon, siguro raw kung topic tungkol sa crushes, okay sa kanya, pero iyong girlfriend-boyfriend, hindi niya kaya. Nagkatawanan nga sa media conference nang sabihin niyang pwede nang mag-bf/gf ang dalawa kapag 28 years old na sila.

Next month, the twins will turn 18 na, pero hindi pa nila alam kung paano sila magsi-celebrate. Si Cassy ayaw mag-debut, si Mavy naman, minsan daw lamang mag-debut ang isang babae. Kaso nga, ang debut ng babae, 18 years of age, ang lalake naman at age 21.

Ang Sarap Di Ba? ay dinidirek pa rin ni Louie Ignacio at special guests nila sina Rayver at Rodjun Cruz at The Clashers na sina Golden Cañedo at Jong Madaliday. Mapapanood sila at 10:45 AM after Maynila at before Eat Bulaga.

VM bibisita sa EK!

Invited ng Enchanted Kingdom ang cast ng Victor Magtanggol at iba pang Kapuso stars this Saturday, October 20, as they celebrate their 23rd Anniversary. Darating sina Alden Richards, Andrea Torres, John Estrada, Pancho Magno at Yuan Francisco na cast ng Victor Magtanggol. Ang GMA Kapuso Show ay gaganapin sa Agila Grounds at 6:00 PM.

IWALY hahataw sa China

One month nang tapos sa ere ang romantic-comedy series na Inday Will Always Love You pero humahataw pa rin ito. Ang rom-com na pinangungunahan ni Barbie Forteza ay mapapanood naman sa China. Pumirma kasi ng exclusive distribution agreement ang GMA Worldwide at isang Chinese multi-media company, ang FZ Entertainment nitong October 16, sa isang trade show na ginanap sa Cannes, France. Ang magiging international title ng rom-com ay Happy Together.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with