^

Pang Movies

Alden nakaraos na sa concert

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Pambansang Bae Alden Richards sa very successful and sold-out na Adrenaline Rush concert sa Kia Theatre last Friday.

 

Talagang tumaas ang adrenaline hindi lamang ni Alden kundi ng audience dahil pasabog lahat ng action kung action performances niya na sakay siya ng sports car nang dumating sa Kia Theatre. Gumamit din siya ng harness nang umakyat siya ng mataas na building at sa gitna ng stage bumaba. Sakay din siya ng motorcycle nang pumasok sa stage para sa isang number. Kasunod na ang number niya with Ex-Battalion, One Up, Betong Sumaya at may pasilip siya ng abs, sa dance number nila nina Ruru Madrid at Rodjun Cruz.

Naging emotional si Alden nang kantahin niya ang I Will Be Here single niya sa new album niyang Until I See You Again na background ang shoot nila sa mga lolo at lola sa isang home for the aged. Malapit daw siya sa mga elderly at naalaala niya ang kanyang Lola Linda at Lolo Danny.

Tilian ang mga fans nang isang portion ng show ay dedicated ni Alden sa AlDub Nation (ADN) na mga fans nila ng ka-love team na si Maine Mendoza. Kinanta niya ang mga songs na malapit sa mga puso nila like Wish I May at God Gave Me You.

Nagpasalamat si Alden kay Comedy Concert Queen AiAi delas Alas na kahit daw puwede namang walang rehearsal ay nag-rehearse pa, sa pagkanta nila ng Aegis songs.

Si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ay nagkuwento na simula nang makilala niya si Alden noong bago pa lamang ito sa GMA-7, mabait na at hanggang sa ngayon ay hindi nagbabago ang ugali. Hindi nalimutang ikuwento ni Regine na malaki ang utang na loob nila ng kanyang family kina Alden at Maine. Ang AlDub daw ang dahilan kaya nakapag-move on ang Mommy Tes niya after pumanaw ang tatay Gerry niya four years ago. Sa pagpanood daw nito sa Eat Bulaga, bumalik ang saya nito. Kaya sabi ni Regine, huwag daw sanang magbabago sina Alden at Maine dahil kasiyahan sila ng tulad ng Mommy niya. Promise ni Alden hindi sila magbabago ni Maine sa pagbibigay ng saya sa lahat.

Nagpasalamat si Alden sa lahat ng sumuporta at nanood ng kanyang concert.

Louise handa nang mag-settle down sa bagong BF

Natuwa kami na kahit matagal naming hindi nakita si Louise delos Reyes ay mas open na siyang magkuwento tungkol sa kanyang lovelife. From GMA Network lumipat siya sa Viva Artist Agency at ngayon ay sa ABS-CBN na siya napapanood. Tamang-tama naman ito sa bago niyang movie sa Viva Films na Para Sa Broken Hearted. Hindi naman lihim na nagkaroon siya ng dalawang boyfriends habang nasa GMA, sina Enzo Pineda at Aljur Abrenica na nasa ABS-CBN na rin at na-broken hearted siya.

Pero si Louise ay nalimutan nang lahat iyon at open nang magkuwento tungkol sa non-showbiz boyfriend niya at gusto na rin daw niyang mag-settle down dahil nakita na raw niya ang lalaking para sa kanya.

Mapapanood na ang Para Sa Broken Hearted in cinemas nationwide simula sa October 3, at may premiere night sila sa October 2 sa SM Megamall Cinema 7.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with