^

Pang Movies

Concert ni Anne sinisiraan?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Concert ni Anne sinisiraan?!
Anne

Next Saturday na ang AnneKulit: Promise, Last Na ‘To! concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum at marami na ang excited sa event na ito.

 

May nang-iintriga nga lang na hindi ganoon kalakas ang benta ng tickets sa concert unlike sa mga naunang concert ni Anne na sold out agad.

Pero parang ayoko namang maniwala na hindi mabenta ang tickets ng Anne Kulit concert dahil marami nga ang nangungulit sa akin na gusto nilang bumili ng VIP tickets bito dahil wala na raw silang mabili sa ticket outlets.

Marami rin akong nakatsikahan na celebrity-friends ni Anne na nagsabing in support sa wife ni Erwan Heussaff ay buy talaga sila ng tickets at hindi sila umaasa sa complimentary, huh!

May naiinggit kaya kay Anne dahil kahit sintunado siya ay ilang beses na siyang nakapag-concert sa Smart Araneta Coliseum at hindi katulad ng ibang singers talaga pero hanggang sa maliliit na venues lang nakakapag-show?

Well...

Veteran actor manggugulat sa Dennis-Dingdong project

Ang story conference kahapon ng bagong series nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa GMA 7.

Hindi pa lahat ng kasama sa cast ay naihabol sa story conference na ‘yon.

May isang veteran actor na tiyak na ikagugulat ng marami dahil kasama pala roon.

Ayaw pang i-announce ng mga taga-Kapuso network kung sino ang veteran actor na ‘yon.

Sweet dinirek si Charo sa unang pelikula

Ngayon ang last shooting day ng Cinema One Originals 2018 official entry na Pang-MMK na first directorial job ni John “Sweet” Lapus.

“Last shooting na namin. Salamat sa Diyos!” sabi ni Sweet.

“Bida si Neil Coleta, first lead niya sa movie and yes, first directorial ko at first full leght script na sinulat.

“Cast din sina Nikki Valdez, Zeppi Borromeo, Ricky Davao, Cherry Pie Picache, at Joel Torre. Based ito sa isang MMK (Maalala Mo Kaya) episode na ipinalabas 20 years ago tungkol sa pamilya na iniwan ng ama. Continuation ito ng story na ‘yon sa MMK nang mamatay ang ama,” kuwento ni Sweet.

Ipinagmamalaki ni Sweet na may special participation sa pelikula si Charo Santos-Concio.

Marami rin daw ibang big stars na nag-guest sa kanyang directorial debut.

“Surprise pa. Pero hindi naman sila basta nag-caneo na dumaan lang sa camera. Kailangan talaga sila sa istorya ng pelikula,” dagdag pa ng comedian na ngayon ay direktor na.

Siya raw ang kumausap kay Charo at sa iba pang mga artista na nag-appear sa Pang-MMK.

“Yes po, ako na ang kumausap sa lahat. Sariling sikap. Ako na rin ang talent coordinator, gumawa ng lyrics ng theme song at nag-location manager. Three M lang kasi ang grant ng Cinema One Originals. So, pakiusapan sa mga tao. Hingi discount, x-deals, tawad, etc. 

“Buti na lang masipag ang staff ko na mga friend ko rin at may mga kaibigan akong tumutulong. Padala pagkain at cash ‘yung iba. Kaya Thank You Lord talaga,” kuwento pa ni Sweet.

Paalala pa ni Sweet, “Sa October 12 na start ng Cinema One Originals 2018.”

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with