Matapos magpaalam na ayaw na sa showbiz,talent ng isang network nagpaka-inggrato
Nitz Miralles (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaalam ang isang talent ng network, titigil na raw siya sa showbiz, babalik na lang sa kanyang probinsiya at ipagpapatuloy ang pag-aaral. Natigil sa kanyang studies ang talent nang sumali sa talent search ng network na in-fairness, kanyang napanalunan.

Dahil maganda ang inirason ng talent kung bakit ayaw na sa showbiz, pinayagan siya ng network na hindi na tapusin ang kontrata at umuwi na lang ito sa probinsya para ipagpatuloy ang pag-aaral. Mahirap nga naman kung pipilitin nila itong mag-showbiz na hindi naman buo ang loob.

Pero, magugulat ang network dahil kung umuwi man sa probinsiya ang pinakawalan nilang talent, sandali lang ito at bumalik din ng Manila. Itutuloy din nito ang showbiz at lumipat lang ng manager.

Nasa Manila na ang talent at alagang-alaga ng manager habang hinahanapan ng projects. Kasama na nito ang parents sa Manila at habang wala pang projects, ang bagong management muna nito ang tumutulong sa kanyang mga gastusin.

Ang tanong ng mga nakakita sa talent na iba na ang management company, hindi ba siya hahabulin ng network? Matanong nga ang mga bossing ng network dito, pero marami silang bagong talents na ibi-build up at parang wala na silang balak na habulin pa ang talent na lumipat ng management company.

Alden nagpakita ng lakas sa Cebu

Malinaw sa rami ng tao na present sa Kapuso Fans Day ni Alden Richards sa South Town Centre sa Talisay, Cebu na hindi totoo ang sinabi ng isang basher ni Alden na taga-Cebu na hindi gusto ng mga taga-Cebu ang aktor. Ang daming tao sa fans day na ang kasama ni Alden ay contestants sa The Clash from Central Visayas.

Galing mismo sa FB page ng South Town Centre ang estimate na around 7000 ang fans na dumating, nagsigawan at nakinig kay Alden na kumanta.

Hindi naman siguro ganu’n karaming Cebuano ang pupunta kung ayaw nila kay Alden. Sabi nga ng isang fan ng aktor, “si ate gurl, makapam-bash lang.”

To think na may sipon si Alden, pero pinuntahan ang lahat ng schedule niya sa Cebu, simula sa flag raising ceremony sa Lapu-Lapu City, taping sa Bisdak at last na ‘yung Kapuso Fans Day.

Anyway, kahit anong pag-iingat ng GMA-7, may nakakalusot pa rin at nakakakuha ng BTS sa taping ng Victor Magtanggol at napo-post sa social media. May nag-post ng Kapuso stars na kasama sa cast gaya ni Andrea Torres na tila may misteryo sa karakter na ginagampanan.

Samantala, malapit nang i-announce ang complete cast ng Victor Magtanggol para hindi na kayo manghula. Iyong iba ay alam na dahil nga nakukunan ng picture sa taping.

 Erwan mas conservative kesa sa asawa ni Solenn 

Hindi dini-disappoint ni Erwan Heussaff ang followers ni Solenn Heussaff sa mga comment kapag may pino-post nas sexy photos ang kapatid. Sa pinost ni Solenn na wet look picture niya sa Instagram (IG) at nag-quote pa ng lines sa Earth Song ni Michael Jackson, ang comment ni Erwan, “You want me to give you an umbrella?”

Natawa ang followers ni Solenn sa reaction ni Erwan at naalala nito ang mga naunang comments sa kapatid.

Lumalabas na mas conservative pa si Erwan kay Nico Bolzico na ang comment sa wet look photo ni Solenn ay “I married a Godess! That makes ma an angel!”Nabanggit pala ni Solenn na ang theme ng Exhibit 3.0 niya next exhibit niya next year ay What our children might not see. May kinalaman ito sa advocacy niya na gisingin at turuan ang mga tao sa tamang pag-aalaga sa environment. Isa na rito ang ‘wag magkalat ng basura at marami sa atin ang guilty dito.

Samantala, bagong dagdag sa cast si Solenn sa Inday Will Always Love You.                                                                                   

NAGPAKA-INGGRATO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with