^

Pang Movies

Cesar hinihintay ang paliwanag sa patung-patong na kaso!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cesar hinihintay ang paliwanag sa patung-patong na kaso!
Cesar

Sabay-sabay nga ang ilang opisyal ng gobyerno na gustong patalsikin ni Presidente Duterte dahil sa bintang na corruption.

Marami sa kanila, verified na ang kaso. Iyong kaso naman ni Cesar Montano na siyang CEO ng Tourism Promotions Board ay hindi sinasabing verified, kaya ang gusto ng bagong Tourism Secretary Bernadette Puyat ay makausap muna siya at matanong tungkol doon. Mukha namang more or less ay may alam ang bagong secretary tungkol sa proyekto dahil napag-usapan daw nila ni Cesar noong siya ay nasa Department of Agriculture pa lamang.

Dalawa ang bintang kay Cesar, ang pagbabayad ng P80 million para sa isang proyektong hindi pa naman tapos. Sa gobyerno, walang proyektong binabayaran nang buo habang hindi na nakukumpleto. Iyong ikalawang sumbong naman, nagsalita lang siya ng dalawang minuto sa isang okasyon sa New York dahil may hinahabol daw siya na panonooring musical sa Broadway.

Hindi rin iyan ang unang sumbong kay Cesar. Kung natatandaan ninyo, bago pa lamang si Cesar diyan sa TPB, inireklamo siya ng ilang tauhan niya mismo at ang kaso ay nepotismo dahil diumano sa mga inilagay niyang tao sa kanyang opisina na hindi naman kailangan, at hindi mga career officers. Pero walang nangyari sa reklamong iyon.

Iyan ay karaniwang mga kaso, pero masyado nga lang lumalaki dahil ang involved ay isang artista, si Cesar Montano. Ganoon naman talaga, basta sikat ka mas pag-uusapan ka.

Tingnan ninyo iyong sinasabing nagpuslit ng ginto sa NAIA hindi masyadong napansin. Iyong humingi ng komisyon sa mga contractor na mas malaking offense hindi rin masyadong napag-usapan. Pero si Cesar, headlines.

Iyan ang isang katotohanang dapat tanggapin din ni Cesar dahil artista nga siya. Kung may nangyari rin sa ibang artista, halimbawa kay Congresswoman Vilma Santos, aba napakatindi rin siguro noon. Mabuti na lang malinis talaga ang record ni Ate Vi.

Hintayin muna natin ang paliwanag ni Cesar tungkol sa mga bagay na iyan.

John Lloyd hindi na talaga mag-aartista

Nagpakalbo at style na Mohawk ngayon ang gupit ni John Lloyd Cruz, na ang sabi ay si Ellen Adarna pa mismo ang nag-style ng buhok niya.

Malayo iyon sa image niya bilang matinee idol. Siguro nga iniiwasan niya na may kumuha maski ng pictures niya kaya umayos na siya nang ganoon. Mukhang maliwanag na rin ang kanyang statement, hindi na siya mag-aartista.

Tumanggi rin siyang magpa-interview sa ABS-CBN mismo, kahit na si Mario Dumaual na kakilala naman niya ang lumapit sa kanya. Simple lang ang sagot niya, “hindi na ako nagpapa-interview nang showbiz”. Pero in fairness hindi naman bastos ang pagkakatanggi niya.

Siguro nga sinyales na iyan, tigilan na si John Lloyd. Kalimutan nang artista siya. Baka iyon ang talagang gusto niyang mangyari sa ngayon.

Aktor at singer na naging magkarelasyon nauwi rin sa hiwalayan

Sayang, break na pala sila. Akala noong iba ay magtatagal ang relasyon ng dalawang gay personalities, isang actor at isang singer.

Pilit na itinatago ng actor ang kanyang kaba­dingan, dahil siguro iniiwasan niyang iwanan din siya ng ilan niyang gay benefactors na pinagkukunan niya ng puhunan sa negosyo. Eh iyon namang singer walang pakialam. Dahil doon ay nag-split na nga silang dalawa. Ngayon may iba nang ka-date ang singer. Iyong actor naman, nagpapalipas pa ng panahon. Wala pa siyang iba.

 

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with