Sunshine
Sunshine nilayasan ang Kapamilya!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 12, 2018 - 9:43pm

Hindi na bago sa aming pandinig iyang paggawa ni Sunshine Cruz ng isang teleserye sa GMA 7. In fact, nalaman namin iyan more than a month ago. Nakiusap lang si Sunshine na huwag muna iyong isulat kasi at the time na napagkuwentuhan namin iyan ay hindi pa siya nakakapagpaalam sa ABS-CBN.

Wala naman siyang existing contract sa ABS-CBN, at wala naman sila kahit na verbal agreement na hindi siya tatanggap ng trabaho mula sa ibang network, kaya nga lang ang sinasabi ng aktres ay malaki ang kanyang utang na loob sa ABS-CBN. Noong nagbalik si Sunshine sa kanyang career matapos ang maraming taon ng pamamahinga, ang ABS-CBN na talaga ang kumuha sa kanya, at inaamin niya malaking tulong iyon para mabuhay niya ang kanyang mga anak sa mga panahong kailangan niya talaga ng trabaho.

Aminado rin naman si Sunshine na maganda ang treatment sa kanya ng ABS-CBN, kahit na medyo nagkaroon ng ilang problema noong una. In fact may project pa ngang naghihintay sa kanya sa network, pero may dumating nga raw offer mula sa GMA at naisip ng manager niya na napakagandang offer noon para palampasin.

Una, napakaganda ng kanyang role, at ikalawa napakaganda rin naman ng offer na talent fee sa kanya. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit matapos ang kanyang maikling bakasyon sa Europe para makita ang kapatid niya, hindi siya nagtuloy sa US para sa plano niyang operasyon sana ng kanyang mga mata, dahil bigla ngang dumating ang proyektong iyan.

Pero sabi nga ni Sunshine noong nag-usap kami, kinabukasan ay pupunta siya sa ABS-CBN, kakausapin niya ang mga boss. At magpapaalam siya, tuloy magpapaliwanag na rin tungkol sa project, at naniniwala naman daw siyang maiintindihan ng mga iyon ang sitwasyon.

Hindi rin naman maikakaila ni Sunshine na ang kanyang career ay nagsimula talaga sa That’s Entertainment ni Kuya Germs, diyan din sa GMA 7. Ngayon out na ang tungkol diyan.

Bagani, tsutsugihin na rin, Matteo gagawin nang bida

Namatay na iyong si Mayari. Namatay pa rin iyong si Ganda. Iyan siguro ang dahilan kung bakit kumakalat na baka mamatay na rin ang Bagani, na sinasabi naman nilang hindi totoo. Fantasy iyan eh. Hindi mo masasabing hindi na mabubuhay ulit ang character.

Ganyan din naman ang Encantadia noong una. Noong mabuntis si Kylie, ang sinasabi nila tapos na ang papel niya, kasi pinatay na si Amihan. Nabago ang kuwento, kasi iyong diwa ni Amihan pumasok naman sa iba. Hindi mo masasabing hindi na babalik si Ganda sa kuwento nila. Alisin mo diyan si Liza Soberano, ano pa ang gagawin diyan ni Enrique Gil? Unless, mawala rin ang character ni Enrique at ang gawin na lang nilang bida talaga ay si Matteo Guidicelli.

Dating aktres umaasang sisikat ulit!

Balibat ang ulo ng isang female star. Sa panahong ito ay hindi lamang niya kailangan ng malaking pera, kung di makabawi rin sa kanyang nawalang popularidad.

Alam niyang malaking tulong iyon para sa kanyang asawa na matagal nang umaasa roon. Iyon pera, madali lang naman siguro, pero iyong mababawing popularidad, iyon ang nakakatakot. Baka hindi na niya makayang ibalik sa dati. Kailangang doble trabaho siya, pero mukhang walang nangyayari sa mga ginagawa niya eh.

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with